Ang New Version Special Program ng Genshin Impact, o kilala rin sa tawag na Inazuma livestream, ay naglahad ng mga bagay na dapat abangan sa malapit nang ilabas na Electro region.

Salungat sa mga nakaraang Genshin Impact livestreams na kinatampukan ng mga voice actors at actresses ng game, ang host ng Inazuma livestream ay ang CEI ng miHoYo na si Da Wei.

Hindi lang mga bagong content at characters ang tinalakay sa programa, kundi pati na rin ang thought process ng development team sa pagdisenyo ng Inazuma.

Tampok din sa simula at pagtatapos ng Inazuma livestream ang pagtatanghal ng composer na si Yu-Peng Chen.

Ang genshin Impact Inazuma update, o Version 2.0, ay lalabas sa July 21. Narito ang limang bagay na natutuhan naming sa Genshin Impact Inazuma livestream.


5. Ipinakikilala ang Serenitea pot garden gameplay

GenshinImpact SereniteapotGardeningGameplay
Credit: miHoYo

Dahil ipinakilala ng Genshin Impact ang Serinitea Pot feature noong 1.5 update, maglalabas ang miHoYo ng mas marami pang content para mabigyan ang mga players ng nararapat na “home away from home.”

Magagamit ng mga Serenitea Pot players ang gardening feature na ipinakita sa Inazuma livestream.

Makakatanggap ang mga players ng Seed Dispensary gadget mula kay madame Ping upang masimulan ang kanilang sariling Serenitea Pot garden. Ilan sa mga halaman na maaaring itanim ay Small Lamp Grass, Violet Grass, at Carrot.

Ang gardening feature na ito ay malaking tulong sa mga players na nangangalap ng materyales upang mapataas ang level ng kanilang characters, lumikha ng bagong Serenitea Pot feature, o para dun sa mga nagluluto ng mga putahe para sa buffs at heals.


4. Mga bagong kalaban sa Inazuma

GenshinImpact HydroCicinMageInazuma
Credit: miHoYo

Ang Pyro Hypostasis at ang Perpetual Mechanical Array ang dalawang bagong bosses na yayanig sa Teyvat sa susunod na update.

Ang Pyro Hypostasis ang ikalimang Hypostasis boss na ipinakilala sa game. Habang ang Perpetual Mechanical Array naman ay tila pinagsamang Hypostasis na nasa cubic form at Ruin Guards na makikita sa pattern nito.

Makakaasa rin ang mga players na makaengkwentro ng bagong uri ng Fatui Cicin Mage na may Hydro abilities.

*break

3. Ipinakilala sa Inazuma livestream ang bagong weapon wish system, ang “Epitomized Path”

GenshinImpact KujouSaraInazumalivestream
Credit: miHoYo

Ipinakilala ni Da Wei ang bagong Genshin Impact Weapon Wish system na “Epitomized Path”.

Sa bagoing system na ito, makakapili ang mga travelers ng five-star weapon na pinakagusto nila at sundan ang daan para makuha ito. Kung makatanggap ang mga players ng ibang five-star weapon, makakakuha sila ng isang Fate Point. Ang player ay maaaring makakuha ng hanggang dalawang Fate Points.

Kapag naabot na ng player ay pinakamataas na bilang ng Fate Points, ang five-star weapon na pinili nila ay lalabas sa Epitomizede Path.


2. Inilantad ng miHoYo ang lahat nang Inazuma characters

GenshinImpact KamisatoAyakaInazumacharacters
Credit: miHoYo

Bukod sa unang apat na Inazuma characters na ipinakita ng miHoYo, ipinakita rin ng mga developers iba pang bagong characters na magiging parte ng mga parating Inazuma Archon quests.

Anim na bagong Inazuma characters ang inanunsyo:

  • Baal – ang Electro Archon at Raiden Shogun
  • Thoma – ang chief retainer ng Kamisato clan
  • Kujou Sara – heneral ng Tenryou commission
  • Sangonomiya Kokomi – pinuno ng Sangonomiya resistance
  • Gorou – heneral ng Sangonomiya troops
  • Yae Miko – ang Guuji ng Grand Narukami Shrine

Kung kayat magiging sampu ang kabuuang bilang ng mga Inazuma characters kabilang sina:

  • Kaedehara Kazuha – isang five-star Anemo character at exiled samurai
  • Kamisato Ayaka – isang five-star Cryo character at pinakamatandang anak na babae ng Kamisato Clan
  • Yoimiya – isang five-star Pyro character na kilala bilang “Queen of the Summer Festival”
  • Sayu – isang four-star ninja Anemo character

Si Kamisato Ayaka ay lalabas sa The Heron’s Court Character Event Wish banner, na susundan naman ng Tapestry of Golden Flames banner tampok sina Yoimiya at Sayu.


1. Ang opisyal na pagpapakita sa Electro Archon na si Baal

GenshinImpact ElectroArchonBaal
Credit: miHoYo

Sa wakas ay inlantad na ang ikatlong Genshiin Impact Archon, at ang pangalan nya ay Baal.

Kilala bilang Elctro Archon at Raiden Shogun (Diyos ng Walang-hanggan), malaking bahagi ng Inazuma update ay iikot kay Baal at sa kanyang pagtugis sa walang-hanggan.

Pinunto rin ni Xiao Luohao, Head of Creative Concept and Writing Team ng Genshin Impact, ang konsepto ng Electro element o lightning at ng paghanap ni Baal sa walang-hanggan. Ang Inazuma chapter ay dinisenyo upang umikot sa kwentong ito, pati na rin ang buong kultura ng bagong rehiyon.

Ipinakita si Baal sa dulo ng Inazuma livestream, bumunot ng espada mula sa kanyang dibdib, at nag-iwan ng mga mahiwagang katagang “You will be inlaid upon this statue.”

Mapapanood nag buong Genshin Impact Inazuma livestream dito: