Pinasilip ng miHoYo ang mga bagay na pwedeng asahan ng mga players sa paparating na update sa Genshin Impact Version 1.6 livestream.

Bagong summer event, skins at outfit na feature, ang bagong Genshin Impact character na si Kazuha, at syempre, mga bagong challenges at mga bosses, lahat ‘yan ay pinakita sa livestream.

Nagpakita rin ang mga developers ng bagong batch ng Inazuma concept art para lalong i-hype ang mga players sa paparating na Japan-inspired city.

Ito pa ang limang bagay na pinalabas sa Genshin Impact Version 1.6 livestream

5. Skins ni Barbara at Jean

Credit: miHoYo

Matagal-tagal na ring nire-request ng mga players na magkaroon ang kanilang characters ng skins at costume, at ibibigay na ito ng miHoYo bilang bagong feature ng Genshin Impact Version 1.6.

Ang Mondstadt sisters na sina Jean at Barbara ang bibida sa unang pares ng skins sa Midsummer Island Adventure ng Genshin Impact Version 1.6.

Maari mong ma-unlock ang “Summertime Sparkle” outfit ni Barbara sa pagkokolekta ng Echoing Conches, habang mabibili naman ang “Sea Breeze Dandelion” ni Jean sa halagang 1,350 Genesis Crystals.

4. Ang bagong samurai boss na si Maguu Kenki

Credit: miHoYo

May bagong boss na sasalubong sa’tin at ito ay nagngangalang Maguu Kenki.

Anemo at Cryo sword user ang demon samurai na ‘to, na may kakayahang mag-summon ng mga phantom para umatake nang sama-sama. Ang higanteng oni mask (demon mask) din ni Maguu Kenki ay nagsisilbing shield na sumusupalpal sa ranged attacks.

Classified bilang normal boss si Maguu Kenki sa Genshin Impact Version 1.6.

3. Bagong Companion Move-In Function ang dala ng Serenitea Pot update

Credit: miHoYo

Maari mo nang isama ang mga characters mo sa loob ng malawak mong Serenitea Pot home!

Sa paparating na update, hanggang walong characters ang pwede mong isama sa loob ng realm. Katulad na lang kung paanong may paboritong pagkain ang bawat characters, magkakaroon din sila ng paboritong furnishing set.

Mag-a-unlock ng bagong character dialogues ang pagkumpleto ng paborito nilang set. Makakatanggap din ng sorpresang regalo ang mga players.

2. Mga lokasyon ng Mora Inazuma

Credit: miHoYo

Pinasilip din ng Genshin Impact Version 1.6 livestream kung saan makikita ang bagong Electro nation na Inazuma.

Pinakita rin ang pinaka-aabangang Genshin Impact character na si Kamisato Ayaka, kasabay ng bagong concept art, at tour sa paligid ng Electro nation.

Lahat ng Inazuma locations

Ito ang mga kumpirmadong lokasyon ng Inazuma, kasama ang mga nabanggit sa Genshin Impact 1.5 livestream:

  • Watatsumi Island – islang puno ng magagandang kulay; kinalalagyan ng Sangonomiya Shrine
  • Seirai Island – ginawa ng thunderstorm ang hindi pangkaraniwang geography at landscape ng islang ito
  • Tsurumi Island – misteryosong islang nababalot sa makapal na hamog
  • Narukami Island: Ang Grand Narukami Shrine – ang pinakamalaking shrine sa loob ng Inazuma; makikita sa tuktok ng Mt. Yougou, pinalilibutan ng cherry blossoms
  • Tatarasuna, Kannazuka – ang kinalalagyan ng Mikage Furnace; may kalapit na bundok na pinaliligiran ng blossoms
  • Narukami Island – ang sasalubong sayo pagpasok sa Inazuma
  • Yashiori Island – nakakatakot na islang may kalansay ng malaking ahas
  • Tenshukaku – ang bahay ng Electro Archon, makikita sa tuktok ng city proper

Hindi pa kumpirmado kung kelan ilalabas ang Inazuma patch. 

“Travelers, I shall be awaiting the day we can meet face to face in Inazuma City with great anticipation,” sabi ni Ayaka.

1. Ang pagdating ni Kazuha sa Genshin Impact Version 1.6

Kaedehara Kazuha Genshin Impact Version 1.6
Credit: miHoYo

Inilabas na sa wakas ang ika-anim na Anemo character—ang sword user na si Kaedehara Kazuha. Si Kazuha ang unang playable character mula sa Inazuma region.

Bakit siya napadpad sa Liyue?

Wanted ng Inazuma shogunate si Kazuha, at inampon ng Crux Fleet ni Beidou. Ang kanyang story quest ay maaring magbukas sa pinakahihintay na Genshin Impact arc simula ng i-release ang laro.

https://www.instagram.com/p/COW-C_zhxHU/?utm_source=ig_embed&ig_rid=e568b6dc-785a-4516-b316-ce02684c2221