Attention, Travelers!
Magkakaroon ng Version 2.1 special program livestream ang Genshin Impact, kung saan idedetalye ang mga bagong game content na paparating sa V2.1 patch.
Ang patch ay ang karugtong ng malaking V2.0 update na nagpakilala sa rehiyon ng Inazuma at ng Archon Quest nitong “Chapter II: Act I – The Immovable God and the Eternal Euthymia”.
Saan mapapanood ang Genshin Impact Version 2.1 Special Program

Schedule ng Version 2.1 special program
Ang V2.1 special propgram ay unang ipapalabas sa official Twitch channel ng Genshin Impact sa August 20, 9:00 p.m. GMT+8.
Kung hindi mo maabutan ang Twitch stream schedule, maaari mong panoorin ang ikaalawang broadcast sa official YouTube channel ng Genshin Impact sa August 21, 12:00 a.m. GMT+8.
Ibang detalye tungkol sa Version 2.1 spoecial program
Bukod sa pagtalakay ng mga pagbabago sa bagong patch, mamimigay din ang miHoYo ng mga libreng primogem redemption codes at iba pang premyo para sa mga viewers.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa livestream, mababasa ang kumpletong detalye sa official blog post ng HoYoLAB.