Ginawa na talaga ng miHoYo – makakatanggap tayo ng Genshin Impact x Honkai Impact crossover sa susunod na buwan!

Ang Genshin Impact x Honkai Impact crossover event 

Credit: miHoYo

Nakita na ng mga miHoYo fans na paparating ito, ngunit nakakagulat pa rin ito noon inanunsyo ng Chinese video game developer ang crossover event sa pagitan ng dalawa sa kanilang pinakamalaking titles, ang Genshin Impact at Honkai Impact.

Gaganapin ang Genshin Impact x Honkai Impact crossover event sa mundo ng Honkai Impact, at magdadala ito ng mga Teyvat characters sa v4.9 sa susunod na buwan.

Ang pagdating ng Electro girls sa Honkai Impact 3rd 

Credit: miHoYo

Ang mga Electro characters ng Genshin Impact na sina Fischl at Keqing ay bibida sa crossover event, tugma sa anunsyo sa official Weibo page ng Honkai Impact 3rd.

Ang napaka-cute na Traveler’s companion na si Paimon ay magpapakita rin sa event habang ang special Klee outfit ay maibibigay kay Theresa Apocalypse ng Honkai Impact.

Haharapin rin ng mga Honkai Impact fans ang nakakatakot na bosses at kalaban sa Genshin Impact tulad nina blue olf Andrius, Ruin Guards, at iba sa mga elemental Slimes.

Maguumpisa ang GenshinImpact x Honkai Impact crossover event sa June 10 sa ilalim ng patch v4.9 ng Honkai Impact.

https://www.instagram.com/p/CPH1sqPhuWB/?utm_source=ig_embed&ig_rid=6074625a-88a4-4d83-bc92-ff6d05202e65