Dalawang linggo pa lang ang nakalipas mula nang lumabas ang Guilty Gear Strive, pero naghahanap na ng tier list ang mga fans at players para makita kung sinong character ang pinakamalakas para sa competitive play.

Mabuti na lang, lumabas ang sikat na fightin game champion na si Goichi “GO1” Kishida sa isang stream kasama ang iba pang Japanese pros para pag-usapan ang kasalukuyang meta ng Guilty Gear Strive.

Nasa tuktok ng tier list ni GO1 si Sol Badguy

Gumawa si GO1 ng malawak na tier list ng lahat ng GGS characters. At nasa tuktok nito si Sol Badguy dahil sa natatangi nyang kalamangan sa game.

Maraming magagandang moves si Sol Badguy kasama na ang kanyang mid-range Gun Flame at anti-air Volcanic Viper.

Para naman sa ibang notable characters, nasa slot ng A-tier characters ni GO1 sina Chipp, May, at Leo.

Solid choices sina May at Leo mula pa noong beta, pero nakakagulat din na napabilang si Chipp sa top pick sa kabila ng meme-like status nya sa beta. Mukhang mas malawak ang pang-unawa ng mga Japanes pros sa potensyal nito at pinili nilang isantabi pagiging glass cannon at mas piniling gamitin ang kanyang damage output pantapos ng mga laban.

GuiltyGearStrive GO1 tierlist
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Chipp Zanuff at May ang mga pinaka paborito sa Guilty Gear

Pare-pareho ang opinyon nina Kamei “Kyamei” Hiroyuki, Ryo “Dogura” Nozaki, and Kazuyuki “KojiKOG” Koji na ilagay sa taas ng tier list sina Sol Badguy, Chipp, at May.

Para kay Kyamei, S-tier pick ang technique-heavy na si Zato-1. Habang ang ibang pros ay inilagay sya sa A pababa, nakikitaan ni Kyamei ng potensyal ang alter ego ni Zato na si Eddie at kung paano ito nakakapagbigay ng mas mahabang airtime dahil sa Fly at maayos na shield gamit ang Oppose.

Di tulad ni GO1, ang hindi mahigpit ang tatlong pros pagdating sa kung sinong dapat ilagay sa A-tier at B-tier, sa kadahilanang ang mga characters na ito ay maaaring tumaas pa ang rankings. Inilagay naman ni KojiKOG sina Zato, Leo, at Axl Low sa question mark category.

Bagamat ang mga tier list na ito ay makakatulong sa ating malaman kung alin sa mga characters ang nakakalamang, tandaan lang na ito’ gabay lamang.

Top tier ngayon sina Chipp at Sol Badguy, pero maraming pro ang nag-aaral pa kung paano ang tamang paggamit ng mga characters laban sa isa’t isa. Sa paglabas ng mga GGS tournaments, makikita natin kung anong klaseng meta ang lalabas mula sa iba’t ibang rehiyon.