Sa Day 1 ng AWC 2021 Group Stage naganap ang epic match sa pagitan ng Team Flash (FL) at Buriram United Esports (BRU). Bagamat mabilis natalo ang Team Flash sa Game 1, malakas ang bawi nila sa Game 2 para tapusin sa 1-1 draw ang best-of-two (BO2) series.
Inihayag ng midlaner ng Team Flash na si XB ang kanyang saloobin sa nangyaring laban.
Naniniwala si Team Flash XB na hindi na kasing lakas ang BRU kumpara sa nakaraang mga seasons

Hindi kuntento si Trần “XB” Xuân Bách sa ipinakita ng kanyang team sa BO2 series nila laban sa Buriram United Esports.
“We could have easily won two points on the opening day,” ibinahagi ni Team Flash XB sa ONE Esports. “While I think Buriram United is not as strong as they were years ago, our team had a bit of a problem too during the series.”
Maganda ang early game ng Team Flash sa Game 1 subalit nagkaroon sila ng ilang pagkakamali sa mid at late games na nag-snowball at nauwi sa unang talo ng Vietnamese team sa AWC 2021.
Sa kabila ng maliit na aberya, naniniwala pa rin si Team Flash XB na lamang pa rin sila kumpara sa Buriram United Esports.
“Buriram is not as strong as they were in the previous tournaments,” sabi nya. “We feel like we can really play against them, unlike in the previous years.”
Kompyansa si XB na mananalo ang Team Flash laban sa MAD Team

Bukod sa Buriram United Esports, nag-iingat din ang Team Flash sa 2019 Arena of Valor International Championship winners MAD Team (MAD). Tiwala si Team Flash XB na mananalo sila laban sa Taiwanese representatives.
“Our team is always confident against MAD,” dagdag nya.
Nanalo ang Team Flash sa kanilang unang AWC Group Stage series laban sa MAD sa score na 2-0, pero kaya ba nila itong mapanatili para sa kanilang kaabang-abang na rematch?
Mapapanood ng mga fans ang aksyon sa live broadcast sa official YouTube channel ng Garena.