Kung nagpapakita ang iyong Roblox ng “Could not connect”, “ID =17 failure” o “Error code 403”, maaring nagkakaroon ka ng internet connection issues sa laro.

Maraming rason kung bakit nagkakaroon ang mga players ng no network o no internet connection sa nasabing game.

Bagamat nakakaranas ang mga Roblox servers ng paminsan-minsan na downtime, kadalasan, nagmumula ang connection issues sa player.

Ayusin ang Roblox no network – error code 403 sa Roblox 

Gaming Roblox no network
Credit: IGDB


Maraming rason kung bakit hindi nagko-connect ang laro o nagkakaroon ng network issues. Ang pinaka-karaniwan ay ang striktong firewall at sira o mabagal na internet connection. 

Gumamit ng isang supported browser 

Siguraduhing gumagamit ka ng latest na version ng isang supported browser para sa laro. Iilang supported browsers ay ang Microsoft Edge, Firefox, at Chrome. Maari mo ring baguhin ang browser para makita kung mananatili ang problema. 

Lumipat sa wired connection 

Kung gumagamit ka ng isang wireless connection, subukang lumipat sa isang wired connection para maayos ang no internet connection error sa laro. 

I-disable ang ad-blocker extensions 

I-disable ang kahit ano mang ad-blocking browser extensions, dahil maaring makialam ito sa functionality ng laro at pigilan ang pag-load nito. 

Siguraduhin ang open ports 

I-kumpirma na ang mga ports mo para sa Roblox (UPD 49152 – 65535) ay bukas sa iyong router. 

Ang pagbukas ng mga ports na ‘to ay makakasigurado ng maayos na connectivity sa laro at ang iyong router. 

I-configure ang firewall at router 

Maaring ma-block ng antivirus o internet security software ang access ng Roblox sa iyong internet. I-configure ang iyong firewall at router settings para mapayagan ang iyong laro at masigurado ang unrestricted access.

I-reinstall ang Roblox 

Kung hindi pa rin gumagana ang mga fix na ‘to, subukang i-reinstall ang laro para maayos ang mga isyus. Siguraduhing i-uninstall ang laro sa pamamagitan ng pagtanggal ng lahat ng files na kasama nito. 

Kung patuloy pa rin ang connection problems na ‘to, subukang i-contact ang Roblox Customer Support. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Roblox. 

BASAHIN: Ano ang Emanators sa Honkai Star Rail?