Hiring na ang sikat na Metal Gear Solid at Death Stranging game designer na si Hideo Kojima. 

Nag-post ng iilang job openings sa LinkedIn ang kaniyang sariling studio, ang Hideo Productions. 

Ito ay kumpirmasyon na siya’y nagtratrabaho na para sa isang panibagong laro, at ito ay magandang balita para sa mga fans na gustong makita kung ano ang susunod na proyekto niya. 

Ang huling larong nilabas nila ay ang aciton game na Death Stranding para sa Playstation 4 noong 2019, at PC noong 2020. Nanalo ito ng Best Game Direction, Best Score/Music, at Best Performance sa The Game Awards 2019. 

Hiring na ang studio ni Hideo Kojima na Hideo Productions

Hideo Kojima Studios hiring poster
Credit: Kojima Studios

Makikita sa Minato-ku, Tokyo, Japan, tumatanggap ng applicants ang Hideo Productions mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Nakasulat sa Japanese at English ang mga job listings at naka-tag ito bilang “actively recruiting.” 

Maliban sa mga nakasulat na technical requirements sa bawat posisyon, ni-require din ng Hideo Productions na sagutin ng mga applicants ang mga karagdagang game-related na tanong, tulad ng “Pick a game you have recently played that you found most interesting, and briefly state your reasonings.” Para sa mga technical na posisyon, ni-require nila na pumili ka ng isang bagong technological trend at ipaliwanag mo ito. 

Mayroong 21 job openings na nakabukas, mula sa visual artists hanggang sa sound engineers at programmers. 

Listahan ng job openings sa Hideo Productions (January 2022) 

  • Producer/Assistant Producer 
  • Sound Designer 
  • Game Designer 
  • Cinematic Artist 
  • Project Manager 
  • Network Programmer 
  • Lighting Artist 
  • Recording Engineer 
  • Character Artist 
  • Sound Programmer 
  • UI/2D Artist 
  • Technical Artist 
  • UI Programmer 
  • Environment Arist 
  • Animator 
  • Weapons/Mechanical Artist 
  • Game Programmer 
  • AI Programmer 
  • Physical Programmer 
  • Tools Programmer 
  • System Programmer 

Mag-apply na sa Hideo Productions sa LinkedIn dito