LGD Gaming MY ang hinirang na mga kampeon ng Honor of Kings Invitational Season 2.
Sa bingit ng pagkatalo, ipinakita ng LGD ang pambihirang three-game turnaround para pabagsakin ang kapwa Malaysians na TEAM SECRET sa isang makabag-damdaming five-game series para makuha ang korona.
Sa tagumpay, inuwi ng koponan ang pinakamalaking bahagi ng US$300,000 prize pool. Pangungunahan din nila ang walong qualified teams mula sa torneo sa paparating na Honor of Kings Invitational Midseason X Esports World Cup sa Riyadh, Saudi Arabia.
Mas naging kapanapanabik ang grand finals dahil gamit ng mga manlalaro ang makabagong GT 20 Pro models mula sa Infinix na siyang official gaming devices ng patimpalak.
LGD Gaming MY pumihit ng reverse sweep para makalawit ang kampeonato ng Honor of Kings Invitational Season 2

Walang nakapalag sa LGD Gaming MY sa kabuuan ng torneo. Winalis nila ang group stage at tinuldukan ang kampanya ng AG Globa at Loops sa knockout para makarating sa grand finals.
Gayundin kalinis ang naging performance ng TEAM SECRET sa kanilang kampanya.
Sinagasaan nila ang mga koponan sa groups bago sipain ang Team Vitality at Season 1 champions na Vivo Keyd Stars sa playoffs para makuha ang tiket sa finals.
Sinubukan ng TEAM SECRET na ipaghiganti ang naganap sa Honor of Kings Invitational Season 2 Malaysian Qualifier, at nagmukhang magagawa nila ito.
Binutasan ng koponan ang team fight composition ng LGD Gaming MY sa pamamagitan ng pagpugak sa mapa sa dalawang naunang laro sa likod ng Da Qiao pick ni Ang Aik “YuHan” Yeong.
Henyo ang bitaw ni YuHan ng Eye of the Whirlpool sa bottom lane sa ika-20 minuto ng laro para makuha ng TEAM SECRET ang bueno mano.

Sa ikalawang mapa, split push at pick-off threat muli mula sa Da Qiao ni YuHan ang bumuwal sa formation ng LGD. Heto lamang ang kinailangan nila para mabasag ang base ng kalaban sa ika-15 minuto at tumuntong sa match point.

Nang mabaon ang kaniyang koponan ng dalawang laro, pinagpasiyahan na ni Coach Kok Kiong “Joker” Lai na i-ban ang Da Qiao — isang desisyon na magbabago ng ihip ng serye.
Pambihira ang isinalng na laro ng LGD Gaminy MY sa ikatlong mapa kung saan pinangunahan sila ni Ryan “JR” Na hawak ang Di Renjie para biguin ang tangka ng TEAM SECRET na walisin ang grand finals.

Samantala, si Tat Yann “MusangKing” Chan naman ang nagdala sa team para maitabla ang serye sa game four. Durog sa jungler ang kapwa niya Malaysians hawak ang Yuhuan na pumako ng perpektong 4/0/5 KDA.

Tinangka ng TEAM SECRET na butasin ang kalaban gamit ang pick-off composition ngunit hindi nila mabasag ang formation ng LGD.
Hinawakan ng LGD Gaming MY ang kalamangan mula umpisa at hindi na lumingon pa. Dumating ang kongklusyon ng serye sa ika-14 minuto ng laban kung saan nakakuha sila ng three-for-none kill trade na binuksan ang mapa para sa death push.
Sa tagumpay, inuwi ng LGD Gaming MY ang US$100,000 at titulo bilang pinakamalakas na koponan sa Southeast Asia.
Ngayon, isa na sila sa paboritong team na sasabak sa Honor of Kings Invitational Midseason X Esports World Cup sa Riyadh, Saudi Arabia ngayong Agosto.
Lumahok sa bakbakan. Maglaro ng Honor of Kings ngayon!
BASAHIN: In-game observers: Ang mga pinakadakilang unsung hero sa esports