Sa salpukan ng dalawang higante sa eksena, Blacklist International ang nakauna laban sa Bigetron Alpha, 2-0, sa Group Stage 1 – Day 1 ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021.
Unang sultada palang ay mainit na agad ang pukpukan sa pagitan ng dalawang teams. Tampok sa game 1 ang 100% winrate Aldous ng MPL-PH S7 champions at ang pasabog na midlane Kimmy ng Indonesian team.
Kahit pa early game at zoning ability ang tirada ng Bigetron, hindi nito nahinto ang arangkada ng Blacklist sa tulong ng matitinding sapak ng Paquito ni Edward “Edward” Dapadap na naglista ng malinis na 5/0/5 KDA.

Sa pangalawang laro ng serye, maagang nakalamang ang MPL-ID runner up dahil sa pakabang dala ng Divine judgement ng Kaja ni Rachmad “DreamS” Wahyud.
Gayunpaman, pinatunayan ng Blacklist na wala paring makakatibag sa kanilang Aldous-Estes-Rafaela composition na kumalampag sa Indonesian team sa late game at tuluyang nagsarado sa serye, 2-0.
MVP sa game 2 si Danerie “Wise” Del Rosario sa kanyang matikas na Aldous na naglista ng 2/2/3 KDA.

Patuloy na suportahan ang ating mga Filipino representatives sa kanilang mga darating na laban ngayong MSC 2021 Group Stage!