Kahit pa 23 taon na ang nakalipas noong una itong lumabas, matunog pa din ang “Initial D” sa mga anime fans.

Sa sobrang popular ng anime na ito, itinampok ito ng Genshin Impact sa kanilang Midsummer Island Adventure event.

Deja Vu! Binigyang pugay ng Genshin Impact ang Initial D

Credit: miHoYo

Sa inilabas na Midsummer Island Adventure event ng Genshin Impact 1.6, binigyan ng tyansa ang mga players gamitin ang Waverider na isang barko na maaaring maglayag papunta sa Golden Apple Archipelago na isang bagong area sa mapa.

Dahil dito, binigyan ng miHoYo ng karagdagang achievements ang paggamit ng Waverider. Isa sa mga ito ang tinatawag na Déjà Vu achievement na halata naming konektado sa klasikong theme song ng Initial D ng French artist na si Tsuko G.

Ang “Déjà vu” ni Tsuko G. ay ginamit sa huling episode ng Initial D: Second Stage na pinamagatang “In the Changing Seasons.” Tampok sa eksena na ito ang huling bakbakan nina Fujiwara Takumi at Akiyaa Wataru gamit ang AE86 Trueno at AE86 Levin.

Simula noon, madalas ng gamitin ang “Déjà vu” song sa mga eksenang nagpapakita ng karera, bilis ng sasakyan at drifting. Ngayon naman, nadiskubre ng ilang manlalaro na isinama ito sa isang fantasy mobile video game na nakatago bilang achievement.

Paano makumpleto ang Deja Vu Achievement?

Hindi mahirap makamit ang Deja Vu achievement ng Genshin Impact. Baka nga natapos mo na ito ng hindi mo napapansin.

Pero para sa mga gustong malaman kung anong mga hakbang ang dapat gawin, simple lang ang dapat gawin. Gamit ang Wavewrider, mag-accelerate sa loob ng 18 segundo. Malalaman mo na nasa acceleration mode ang iyong barko kapag lumabas na ang stamina bar sa gilid.

Hindi mo kailangang mag-drift dito. Isalang mo lang ang iyong Initial D skills at siguradong makukumpleto mo ang achievement.