Inanunsyo ng Nintendo sa E3 2021 Direct ang susunod na character na sasali sa Super Smash Bros. Ultimate, si Kazuya Mishima ng Tekken.

Ipinakilala si Kazuya gamit ang isa sa kanyang mga signature moves: ang magtapon ng tinalong kalaban sa bulkan.

SuperSmashBrosUltimate Kazuya Kirby
Screenshot by: ONE Esports/Ron Muyot

Si Kazuya ang pinakabagong fighting game character na sasali sa flagship fighter ng Nintendo, sunod kina Ryu ng Street Fighter at Terry Bogard ng Fatal Fury.

Sinabi ni Nintendo at Smash Bros. game director Masahiro Sakurai na mas maraming detalye ang ilalabas sa June 28.

SuperSmashBrosUltimate Kazuya Mario Bowser
Screenshot by: ONE Esports/Ron Muyot

Si Kazuya ang ikalimang DLC character na idadagdag sa ikalawang Fighters Pass ng Super Smash Bros. Ultimate. Sasamahan nya ang mga characters na naidagdag kamakailan na sina Pyra at Mythra ng Xenoblade Chronicles 2, Steve at Alex ng Minecraft, Min Min ng Arms, at Sephiroth ng Final Fantasy VII.

May isa pang natitirang character ang ilalabas ng Nintendo para sa Super Smash Bros Ultimate bago matapos ang 2021 para kumpletuhin ang ikalawang Fighters Pass. Sa unang Fighters Pass, inalabas ang mga characters na sina Juker ng Persona 5, Hero ng Dragon Quest, Banjo at Kazooie ng Banko-Kazooie, Terry Bogard ng Fatal Fury, at Byleth ng Fire Emblem: Three Houses.