Tiyak na lalong gaganda ang PC setup mo sa bagong Keqing keyboard na nilabas ng miHoYo.
Manguryente ng kalaban gamit ang Gensin Impact Keqing keyboard
Makinis ang pagkakagawa sa Keqing keyboard na may black base at violet floral designs.
Ang highlight ng mechanical keyboard na ito ay ang backspace, backlash, enter, at shift keys na mula sa official art card ni Keqing sa Genshin Impact.
Kulay light purple naman ang mga alphanumeric characters, at ang ibang pindutan naman ay pinalitan ng mga icons mula sa kanyang Talents.

Apat na keys pa ang nangingibabaw sa keyboard. Ang escape key ay dinisenyohan ng Electro symbol, ang CTRL key, up cursor key, at enter key ng numeric keypad naman ay hinango sa Mark ng Stellar Restoration na Elemental Skill ni Keqing.
Kinumpleto ng RGB lighting ang official Keqing mechanical keyboard na ito. May sukat itong 44×13 cm at may padagdag na keys rin na may disenyo ng chibi form ni Keqing at ang kanyang five-star art card.
San mabibili ang Keqing keyboard, kelan ilalabas, magkano, at iba pa

Mabibili ang Keqing keyboard sa Tmall (dating Taobao Mall) simula June 1 sa halagang $136 (₱6500)
Available din sa page ang iba pang official Genshin Impact merchandise, katulad ng keychain, standees, pati ang sikat na Klee mug.