Papasok na sa post season ang League of Legends Championship Series (LCS) sa pagbubukas ng LCS 2021 Championship Playoffs.

Paglalabanan ng walong pinakamgagaling na kupunan mula sa LCS ang tiyansang maging kinatawan ng NA region sa paparating na 2021 World Championship (Worlds 2021).


Ano ang LCS 2021 Championship Playoffs?

Ang Championship Playoffs ay ang huling regional tournament para sa 2021 LCS season na papalitan din ang dating Summer Playoffs format.

Kasabay ng balagbagan ng walong pianaka-magilas na kupunan sa rehiyon, matutukoy pagkatapos ng torneyo ang top three kupunan na babandera para sa North America sa pagbubukas ng Worlds 2021 sa huling bahagi ng taon.

LCS 2021 Championship Playoffs schedule at mga resulta

Magsisimula ang Championship Playoffs ngayong August 8, habang gaganapin naman ang grand finals sa August 30. Heto ang kumpletong schedule ng mga sagupaan (lahat ng oras at araw ay nasa GMT+8)

(Antabayanan ang update sa resulta)

Round 1 schedule and results

  • Evil Geniuses vs Dignitas (August 8, 5 a.m.)
  • Cloud9 vs Team Liquid (August 9, 4 a.m.)
  • Immortals vs TBD (August 13, 6 a.m.)
  • Golden Guardians vs TBD (August 14, 6 a.m.)

Round 2 schedule

  • 100 Thieves vs TBD (August 15, 5 a.m.)
  • TSM vs TBD (August 16, 4 a.m.)
  • TBD vs TBD (August 20, 6 a.m.)
  • TBD vs TBD (August 21, 6 a.m.)

Round 3 schedule

  • TBD vs TBD (August 23, 4 a.m.)

Round 4 schedule

  • TBD vs TBD (August 22, 5 a.m.)
  • TBD vs TBD (August 29, 5 a.m.)

Grand final

  • TBD vs TBD (August 30, 4 a.m.)

Format ng LCS 2021 Championship Playoffs

Credit: LCS

Susundan ng playoffs na ito ang double-elimination format kung saan maghaharap ang lahat ng kupunan sa best-of-five matches.

Magkakaroon ng bye ang top two seeds pagkatapos ng double-elimination, na haharap naman sa mananalo sa Round 1 at Round 2. Ang 7th at 8th seed naman ay magsisimula sa lower bracket na makikipagbakbakan sa mga losers ng Round 1.

Prize pool ng Championship Playoffs

Credit: LoL Esports Flickr

Tampok sa Championship playoffs ang galanteng US$200,000 prize pool na paghahatian ng mga top performing teams sa torneyo.

Bukod sa marangyang prize pool, ipapakilala din sa torneyo ang tatlong kupunan na sasabak para sa NA region sa World 2021.

  • 1st: US$100,000 and Worlds 2021 Group Stage NA Seed #1
  • 2nd: US$50,000 Worlds 2021 Group Stage NA Seed #2
  • 3rd: US$30,000 and Worlds 2021 Play-In Stage NA Seed #3
  • 4th: US$20,000
  • 5th-8th: No share of the prize pool

Mga teams na maglalaro sa LCS 2021 Championship Playoffs

Credit: Riot Games via ESPAT

Ngayong nakasangguni na ang LCS format sa team records mula sa Spring,  maglalaro sa LCS Championship ang walong kupunan na may pinakamagandang standing mula sa season. Kabilang sa mga teams na ito ang mga sumusunod:

  1. TSM (30-15)
  2. 100 Thieves (29-16)
  3. Evil Geniuses (28-17)
  4. Cloud9 (28-17)
  5. Team Liquid (27-18)
  6. Dignitas (23-22)
  7. Immortals (20-25)
  8. Golden Guardians (14-31)

Saan mapapanood ang LCS 2021 Championship Playoffs

Maaaring mapanood ng LCS fans ang mga labanan live sa official LCS Twitch at and YouTube channels.