Mainit ang pagtanggap ng Epic Games sa Fortnite collaboration nito kasama ang NBA superstar na si LeBron James bilang pinakabagong miyembro ng Icon series.
Bukod kay James, tampok din sa Icon series ang ilang personalidad katulad ng content creator na si Tyler “Ninja” Blevins, DJ na si Marshmello, at rapper na si Travis Scott.
‘The King has arrived’ sa Fortnite
Dumating sa Fortnite si King James suot ang isang blazer at hoodie, basketball shorts, at kumikinang na korona.
Maaaring baguhin ng mga manlalaro ang dating ni James gamit ang progressive slider, na binabago ang kulay ng kanyang korona at lion shoulder pads.
Para naman sa accessories ng four-time NBA champion, mabibili rin sa Item Shop ang Lion pickaxe at Wingspan glider na may bahid din ng ginto.
Kung sakali na maka-victory royale ka, sakto ang Silencer na court celebration ng tanyag na Los Angeles Laker.
Available din ang Space Jam outfit ni LeBron James
Maaari rin bilhin ang Tune Squad uniform ni LeBron mula sa bago niyang pelikula na Space Jam: A New Legacy.
May kasama rin na Taco Tuesday variant at sariling Pack Supreme back bling, at in-game Nike LeBron 19 ang collection na ito.
Maaaring bilhin ang LeBron James Fortnite skin bundle sa Item Shop sa halagang 2,500 V-Bucks.
Maaaring tignan ang opisyal na blog post ng Fortnite para sa karagdagang impormasyon.