Pagtatapat-tapatin sa paparating na LEC Summer 2021 Playoffs ang anim sa pinakamagagaling na kupunan ng League of Legends sa Europe.
Heto ang lahat ng kailangan niyo malaman tungkol sa LEC Summer 2021 Playoffs kasama na ang schedule, results at kung saan mapapanood ang kapanapanabik na aksyon.
Ano ang LEC Summer 2021 Playoffs?

Kikilalanin sa League of Legends European Champion (LEC) Summer 2021 Playoffs ang mga kupunang lalarga para sa League of Legends World Championship para sa taong 2021 (Worlds 2021).
LEC Summer 2021 Playoffs schedule at resulta

Opisyal na magsisimula ang torneyo ngayong Sabado, August 14, 12:00 a.m. GMT+8. Bubuksan ng league leaders na Rogue at Misfits Gaming ang bakbakan sa Playoffs.
Heto ang kabuuan ng schedule at resulta para sa European LoL playoffs. Lahat ng oras at araw ay naka GMT+8 format.
August 14 (Saturday)
- Round One — Misfits Gaming vs. Rogue (12:00 a.m.)
- Round One — MAD Lions vs. G2 Esports (11:00 p.m.)
August 15 (Sunday)
- Round One — Team Vitality vs. Fnatic (11:00 p.m.)
August 21 (Saturday)
- TBA (12:00 a.m.)
- TBA (11:00 p.m.)
August 22 (Sunday)
- TBA – (11:00 p.m)
August 28 (Saturday)
- TBA (11:00 p.m.)
August 29 (Sunday)
- Final — TBA (11:00 p.m)
Format ng LEC Summer 2021 Playoffs

Susundan ng LEC Summer 2021 Playoffs ang double-elimination format kung saan maglalaban-laban ang mga kupunan sa best-of-five matches.
Ang apat na kupunang mangingibabaw pagkatapos nito ay aangat sa winners’ bracket habang ang dalawang team na natitira ay magbabakbakan sa losers’ bracket.
Mga teams na lalaro sa LEC Summer 2021 Playoffs

Awtomatikong makakasali sa balagbagan sa playoffs ang top six teams mula sa LEC Summer Split. Kabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Rogue
- G2 Esports
- MAD Lions
- Misfits Gaming
- Fnatic
- Team Vitality
Prize pool ng LEC Summer 2021

Bukod sa tumatagingting na US$237,000 (EU€200,000) prize pool, ang top three teams mula sa playoffs ay makakaselyo ng slot para sumabak sa League of Legends Worlds 2021.
- First: US$95,000 and Worlds 2021 Main Event slot
- Second: US$59,000 and Worlds 2021 Main Event slot
- Third: US$36,000 and Worlds 2021 Play-In slot
Saan mapapanood ang LEC Summer 2021 Playoffs

Saksihan ang sagupaan ng mga European League of Legends teams na ito live sa Twitch channel at Youtube account ng LEC.