Kung isa kang completionist na naghahanap ng Foamstars trophy guide na naglilista sa lahat ng mga tropeos ng laro at mga detalye kung paano ito ma-unlock, nasa tamang lugar ka.
Ang Foamstrars ay isang panibagong 4v4 online party shooter game kung saan gumagamit ka ng foam para bumuo ng mga lupain, gumawa ng mga vantage points at iba pang mga bagay para manalo laban sa iyong kalaban.
Available na ang laro sa PlayStation platform.
Ang Foamstars trophy guide na kailangan mo
Sa kasalukuyan, mayroong 12 na tropeo ang Foamstars: dalawang Silver, isang Gold, at siyam na Bronze. Heto ang kumpletong Foamstars trophy list at paano ito ma-unlock:
TROPHY NAME | TROPHY TYPE | HOW TO UNLOCK |
Smash the Star | Bronze | Manalo sa Smash the Star. (Private Parties at Ranked Parties excluded) |
Rubber Duck Party | Bronze | Manalo sa Rubber Duck Party. (Private Parties at Ranked Parties excluded) |
Happy Bath Survival | Bronze | Manalo sa Happy Bath Survival. (Private Parties at Ranked Parties excluded) |
Give It Up For The Party Legend | Bronze | Manalo sa Ranked Party. |
Nice Save! | Bronze | Mag-score ng Nice Save sa isang teammate. (Lounge at private parties excluded) |
Foamed Up | Bronze | Mag-foam up ng isang kalaban. *Lounge at private parties excluded |
Nice Chill! | Bronze | Chill 10 na kalaban. (Lounge at private parties excluded) |
One To Watch | Bronze | Manalo ng award sa kahit anong area. |
Nice Squad! | Bronze | Mag-clear ng isang Squad Mission sa Normal. |
The Best Squad | Silver | Mag-clear ng isang Squad Mission sa Hard. |
Let’s Party! | Silver | Mag-attend ng 25 parties. (Private parties excluded) |
We Are FOAMSTARS! | Gold |
Nagbibigay ba ng Platinum trophy ang Foamstars?
- Makikita na ang walls ng Attack on Titan sa Palworld
- Persona 3 Reload features na nais naming makita sa susunod na Persona games
- Subukan ang 3 must-play One Piece games na ito para sa bawat mugiwara
Hindi! Hindi nagbibigay ng isang Platinum trophy ang Foamstars, tulad ng paparating na Tomb Raider 1-3 Remaster. Bukod pa riyan, ang 12 na tropeo na binibigay sa laro ay madaling makuha at hindi gaanong mahirap gawin.
Kaya naman ang hindi pagbigay ng isang Platinum trophy sa pag-kolekto ng 12 trophies sa Foamstars ay maiintindihan namin. Ngunit maraming PlayStations players and hindi masaya dahil dito.
Kailan magkakaroon ng Platinum trophy ang Foamstars?
Sa kasalukuyan, wala pang anunsyo mula sa Toylogic o Square Enix patungkol sa Platinum trophy sa laro. Ngunit kung mabuhay man ang laro para makabuo ng isang disenteng active player base, may pagkakataon na magkaroon ng isang Platinum trophy sa laro.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Foamstars.
BASAHIN: Persona 3 Reload romances: Sino ang magandang i-date sa Valentine’s Day?