Para sa mga NBA fans!
Bilang pampainit bago ang NBA Playoffs, namimigay ng libreng kopya ng NBA 2K21 ang Epic Games Store.
Paano makakuha ng libreng NBA 2K21 sa Epic Games Store
Para makakuha ng libreng kopya, mag-log in lang sa iyong Epic Games Store Launcher at i-click ang Store tab.
Mula dito, mag-scroll down ka at i-click ang NBA 2K21 sa Free Games section.
Kung wala ka pang account, pwede kang mag-register ng Epic Games account dito.

Ang libreng giveaway ng sikat na basketball game na ito ay kasabay ng pagbabalik ng MEGA Sale ng Epic. Ang 2K21 ang una sa apat na free games para sa buwang ito.
Ang mga users ay makakakuha rin ng exclusive PC offers, US$10 coupons, at mga discounts sa mga major titles.
Narito ang listahan ng mga pinakasikat na games sa MEGA Sale:
- Oddworld Soulstorm
- Kingdom Hearts III + Re Mind
- Assassin’s Creed: Valhalla
- Outriders
- Cyberpunk 2077
Ang NBA 2K21 ay libre sa Epic Games Store hanggang May 27, 11 p.m. GMT+8.