Malapit na ang Genshin Impact voice acting debut ng OfflineTV star na si Lily “LilyPichu” Ki. At bilang patikim sa mga fans, pinasya nyang bosesan ang ibang characters ng game.

LilyPichu nag-fandub ng mga Genshin Impact characters

GenshinImpact LilyPichu
Credit: Lily Ki

Ang sikat na Twitch streamer, artist, at voice actress na si LilyPichu ay nag-post ng isang Tiktok video kung saan binosesan nya ang ilan sa mga sikat na characters sa Genshin Impact.

Pinapakita sya sa simula ng clip, naka-peace sign at may text na “fandubbing Genshin Impact characters” na may kasamang photo ng mascot ng game na si Paimon.

Ipinarinig ni Lily ang kanyang unofficial voice acting para kina Diona, Klee, Sucrose, Qiqi, at Paimon. Ginamit nya ang ilan sa mga official voice lines sa game at sinamahan na rin ng konting nakakatawang mga linya.

Genshin Impact Klee
Credit: Genshin Impact

Kuhang-kuha rin ni LilyPichu ang humming song ni Barbara, isa sa mga nakakatuwang parte ng idle animation ng healer.

Nagulat ang mga fans ni LilyPichu sa kanyang fandub kay Eula, ang kapitan ng Reconnaissance Company ng Knights of Favonius. Ang Eula fandub na ito ay kinabiliban din ng streamer na si QuarterJade.

GenshinImpact EulaWallpaper
Credit: miHoYo

Kilala si Lily dahil sa kanyang natural na high-pitched voice, na bagay na bagay sa mga petite at cute na persona tulad ng paparating na claymore user sa game na si Sayu.

https://twitter.com/lileepeechew/status/1416663981339549698?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1416663981339549698%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_c10&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.oneesports.gg%2Fgaming%2Flisten-lilypichu-voice-genshin-impact%2F

LilyPichu bilang Sayu

GenshinImpact SayuLilyPichu
Credit: miHoYo

Si LilyPichu ang magbibigay-buhay sa character na si Sayu, isa sa mga bagong Inazuma characters na darating sa version 2.0.

Si Sayu ay isang four-star Anemo claymore user na inilalarawan ng miHoYo bilang isang “pint-sized ninja” ng Shiyuumatsu-Ban.

Si Sayo ay magiging tampok sa Tapestry of Golden Flames banner kasama ng five-star Pyro archer na si Yoimiya.

https://www.instagram.com/p/CRdL2GbB6yx/?utm_source=ig_web_copy_link