Para sa mga gaming at martial arts fans, heto na ang pagkakataon nyong makalaro ng 1-on-1 ang isa sa mga pinakatanyag at isa sa mga pinakamagaling na mixed martial artist na si Demetrious Johnson.

Maliban sa kanyang makulay na karera bilang isang mixed martial artist, kilala si Demetrious “Mighty Mouse” Johnson bilang isang taong mahulig sa gaming. Sa katunayan nga, halos araw-araw siyang nag-iistream sa Mighty Gaming Twitch channel na lumalabas din sa Youtube.

Nahihiligan ngayon ni DJ ang Resident Evil Village, Call of Duty: Warzone gayundin ang World of Warcraft.

Eto na ang tyansa mong makalaro si Demetrious Johnson

Ka-partner ang TUMI, bibigyan namin ang isang swerteng fan ng pagkakataon magkaroon ng 1-on-1 virtual gaming session kasama si Mighty Mouse. Makakapamili ang maswerteng fan ng alinman sa mga sumusunod na laro: Call of Duty: Warzone, Call of Duty: Modern Warfare, PUBG, Resident Evil, or Street Fighter V.

Kung di pa sapat yon, ang grand prize winner ay makakatanggap din ng:

  • MMA gloves​ signed by DJ 
  • TUMI Esports Pro large backpack
  • ONE Championship logo tee ​
  • ONE Esports hoodie ​
  • ONE Championship cap ​
  • ONE Esports tumbler ​

Limang runner-ups naman ang makakakuha ng:

  • ONE Championship logo tee ​
  • ONE Esports tumbler 

Ang gagawin mo lang para magkaroon ng tyansa manalo ay sagutin ang mga sumusunod:

  1. Ano ang official name ng bagong Esports collection ng TUMI?
    Para malaman ang latest na collection ng TUMI, i-click ang link na ito.
  2. Isulat ng 15 words or less kung bakit mo gusting manalo ng 1-on-1 kasama si DJ.

I-click ang link na ito para makasali!