Gusto mo bang sumunod sa yapak ng namamayagpag na esports superstars ngayon? Pwes, simulan mo ng mag-grind sa mga larong kasama sa Olympic Esports Week 2023.
Habang pinapanuod ang world-class players magbakbakan sa sampung events simula June 22 hanggang June 25, maaaring makisabay sa aksyon sa pamamagitan ng pagsubok sa games na lalaruin.
Narito kung saan puwede ma-download ang games na lalaruin sa Olympic Esports Week:
Listahan ng Olympic Esports games para sa Olympic Esports Week 2023
- Zwift
- Tic Tac Bow
- Virtual Regatta
- Just Dance
- WBSC eBASEBALL: POWER PROS
- Chess.com
- Tennis Clash
- Fortnite
- Gran Turismo
- Virtual Taekwondo
Zwift
Swabe ang Zwift para sa mga nais sumubok ng virtual biking at magliwaliw at mamasyal sa mundo.
Kombinasyon ng virtual at physical ang Zwift, at kailangan mo ng equipment para makasimula. Pagkatapos nito, maaari mo ng simulant mag-explore sa iba’t-ibang lugar kung saan may ilang ruta na kapareho sa tunay na mundo katulad na lang ng iconic routes sa Alpe d’Huez at Mount Ventoux.
Maaari mong i-download ang Zwift sa iOS, Windos at Android.
Tic Tac Bow
Tic-tac-toe pero may kaunting twist- partikular na sa paggamit ng pana. Ayos diba?
Gumamit ng bow and arrow sa isang 3×3 target board. Mananalo ka kapag na-hit mo ang three targets sa isang row. Simple!
I-download ang Tic Tac Bow sa Android at iOS dito.
Virtual Regatta
Ang Virtual Regatta ay isang makatotohanang sailing race simulator. May dalawang bersyon ito- ang Inshore at Offshore.
Base ang Inshore sa short course racing kung saan may laro na tumatagal sa pagitan ng lima hanggang sampung minute. Samantala, ang Offshore naman ay kadikit ng ilan sa pinakasikat na sailing races sa mundo. Sa bersyong ito, binibigyan ng pagkakataon ang players na magmanman sa real-life conditions sa laot, dahil ito rin ang nagaganap in-game.
Maaaring subukan ang dalawang bersyon ng Virtual Regatta direkta sa inyong mga browser, o di kaya naman ay i-downloa sa Android o iOS.
Just Dance
Hindi mo kailangan ng club para mag-enjoy sa pagsasayaw!
Ang larong Just Dance ay para sa mga gustong mag-enjoy sa pag-indak saliw sa pinakasikat na kanta. Sundan ang dancer sa screen at makisaya kasama ng ilang players sa parehong room para mag-compete.
Available ang laro sa karamihan ng major gaming platforms, ngunit maaari mo na itong subukan ng libre ngayon sa iyong browswer.
WBSC eBASEBALL: POWER PROS
Sikat ang kasabihang “Don’t judge a book by its cover”, pero hindi ito aplikable kapag ang usapan ay baseball players at ang kani-kanilang stats!
Ang long-running series na ito (simula pa noong 1994) ay kilala para sa kakaiba nitong chibi art style, na pinarisan pa ng swabeng recreation ng baseball mechanics.
Available ang WBSC eBASEBALL: POWER PROS sa Nintendo Switch at PlayStation.
Chess.com
Chess na libre at online! Patok ang laro ngayon lalo na sa Twitch dahil sa dali nitong gamitin at accessibility nito sa mga enthusiasts ng laro.
Patumbahin ang pinakamagagaling sa Chess.com!
Tennis Clash
Ang Tennis Clash ay isang multiplayer online tennis game sa mobile. Solido ang gamplay dito, at masusukaat ng matchmaking ang iyong husay kontra sa iba pang manlalaro.
Subukan ang Tennis Clash sa Android o iOS.
Fortnite
Hindi mahirap sa bihin na ang Fortnite ang isa sa mga larong bumago sa gaming space, rason para mailagay sa mapa ang Epic games na developer nito. Ang battle royale formula na ginamit sa laro ay muli’t-muling ginagaya ng mga sumunod dito, ngunit nanatili ang Fortnite bilang isa sa pinakatanyag na laro.
I-download ang Fortnite ng libre dito.
Gran Turismo
Ang Gran Turismo ang isa sa pinaka-makatotohanang driving simulators sa merkado. Dahil sa 400 cars na maaaring pagpilian, ang bawat isa ay sobrang detalyado, maraming manlalaro ang patuloy na tumatangkilik sa laro.
Bilang isang PlayStation exclusive game, maaari lamang laruin ang Gran Turismo 7 sa PS4 at PS5.
Virtual Taekwondo
Makipagbabagan at ilabas ang init sa Virtual Taekwondo!
Bunga ang laro sa tambalan ng World Taekwondo at Refract Technologies, na ginamitan ng motion tracking para mailabas ng fighters ang kanilang skill sa sikat na martial art.
Ito ang bukod-tanging laro na hindi mo masusubukan ngayon, pero maaaari mong masilip kung paano ito gumagana sa Olympic Esports Week 2023!