Ang Mondstadt ay ang Germany-inspired city ng Teyvat. Kilala ito bilang City of Freedom, na madalas na inuugnay sa Anemo element.

Karamihan ng Genshin Impact characters ay nakabase sa Mondstadt, at dito rin nagsisimula ang lahat ng players sa kani-kanilang Genshin Impact journey.

Kung susumahin, may 18 playable Mondstadt characters sa laro. Samu’t-sari ang timpla ng bawat karakter. Mayroong mga inosente ang hitsura tulad ni Klee, at mayroon din namang free-spirited na mga karakter tulad ni Venti. Ngunit sino ba ang pinakamalakas na Mondstadt characters na maaaring gamitin sa combat?


Heto ang 5 na pinakamalakas na Mondstadt characters sa Genshin Impact

5. Ang tandem nina Fischl at Oz

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Fischl rarity: 4-star
Fischl element: Electro
Fischl weapon: Bow
Fischl voice actors: Brittany Cox (EN), Mace (CN), Uchida Maaya (JP), Park Go-woon (KR)

Siya man ay isang 4-star character, si Fischl at ang kaniyang Constellation 6 (Evernight Raven) ay swabe sa kaniyang support role. Ang kaniyang night raven na si Oz ay kayang umatake ng mga kalaban kahit pa wala si Fischl sa battlefield.

Ang kit ni Fischl ay swak din sa karamihan ng team compositions kaya naman isa siya sa mga itinuturing na pinaka-flexible sa mga Mondstadt characters.


4. Makakamit ni Eula Lawrence ang kaniyang paghihiganti

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Eula rarity: 5-star
Eula element: Cryo
Eula weapon: Claymore
Eula voice actors: Suzie Yeung (EN), Ziyin (CN), Satou Rina (JP), Kim Hyeon-ji (KR)

Ang karakter na si Eula Lawrence ay itinuturing bilang pinakamalakas na Cryo user sa lahat ng Genshin Impact Mondstadt characters.

Mataas na burst damage ang kayang ilabas ni Eula, kaya nasa S-tier ang kategorya niya sa usapang physical DPS.

Karugtong nila, ang Utility Passive ng Eula na Aristocratic Introspection ay malaking tulong sa mga players na kapos ang oras mag-grind para sa talent level-up materials sa mga domains.

May 10% tiyansang madoble ang product kung ang Eula ang gagamitin sa pag-craft ng character talent materials dala ng nasabing passive ng karakter.

Basahin ang best farming guide sa materials ni Eula dito.


3. Maasahan ang Diluc bilang Pyro DPS character

Credit: Genshin Impact

Diluc rarity: 5-star
Diluc element: Pyro
Diluc weapon: Claymore
Diluc voice actors: Sean Chiplock (EN), Yang Ma (CN), Ono Kensho (JP), Choi Seung-hoon (KR)

Sa likod ng kaniyang supladong dating, si Diluc Ragnvindr ng Dawn Winery ay isa sa mga pinakamalalakas na Mondstadt characters. Napakadali ding gamitin ng Diluc bilang Pyro user kumpara sa ibang Genshin Impact characters.

Kung hanap mo ang desente at maasahang character para sa Cryo levels ng Spiral Abyss, isa si Diluc sa pinakamagandang pick sa Mondstadt character roster.


2. Si Klee ang pinaka-cute sa lahat ng mga Mondstadt characters

Credit: Genshin Impact

Klee rarity: 5-star
Klee element: Pyro
Klee weapon: Catalyst
Klee voice actors: Poonam Basu (EN), Hualing (CN), Kuno Misaki (JP), Bang Yeon-ji (KR)

Arsonist, bomber, ang pinaka-cute na karakter sa Mondstadt – kahit ano pang tawag mo sa kaniya, si Klee ang pinakamagaling na Pyro character sa City of Freedom.

Top-tier na Pyro DPS character si Klee dahil sa kaniyang button-spam elemebtal abilities na swak din sa kaniyang trigger-happy na personalidad.

Bagamat, hindi basta-basta ang gameplay sa karakter dahil kritikal ang positioning ng Klee at ng kaniyang Kaboom! bombs para ma-trigger ang elemental reactions. 


1. Si Venti ang pinakamalakas na Genshin Impact character sa Mondstadt

Venti rarity: 5-star
Venti element: Anemo
Venti weapon: Bow
Venti voice actors: Erika Harlacher (EN), Miaojiang (CN), Murase Ayumu (JP), Jung Yoo-jung (KR)

Hindi maikakaila na si Archon Venti ang pinakamatikas na karakter sa Mondstadt.

Pinakamalakas na Anemo character ang Venti dahil sa kaya niyang gawin gamit ang kaniyang Elemental Skill na Skyward Sonnet dahil literal na sasalangit ang sinumang kalabang ma-target nito. Maaari ring paliparin ng Venti ang mga ka-party niya.

Maaaring i-pop ng Venti ang kaniyang Elemental skill para matipon ang mga kalaban sa isang area, habang napaka-ganda naman nitong tool sa Spiral Abyss o sa mga co-op events. Maaaring gamitin ito para makarating sa mga matataas na lokasyon para makuha ang mga treasure chests o kaya naman ay para ma-activate ang mga Elemental Monuments.

Maaaring i-pop ng Venti ang kaniyang Elemental skill para matipon ang mga kalaban sa isang area, habang napaka-ganda naman nitong tool sa Spiral Abyss o sa mga co-op events. Maaaring gamitin ito para makarating sa mga matataas na lokasyon para makuha ang mga treasure chests o kaya naman ay para ma-activate ang mga Elemental Monuments.

Bukod dito, ang Utility Passive niyang Windrider ay nagbabawas ng konsumo ng gliding Stamina para sa mga party members ng 20%. Walang dudang perpektong kasamahan ang Venti sa paglalakbay sa Mondstadt.

https://www.instagram.com/p/CSf4AvUBIG0/?utm_source=ig_embed&ig_rid=0bf974be-e59e-456f-b768-99a6b44c4b2e