Tila isa sa mga umiikot na litrato ngayon sa Facebook ay ang weight loss transformation ni John Ferrer, a.k.a. ang Mobile Legends streamer na si Hypebit$.

Nagsimula ang kaniyang weightloss journey noong napansin ng kaniyang kaibigan at kapwa streamer na si Eruption ang kaniyang timbang, ngunit hindi niya nakita ito bilang isang negatibong bagay. Sa halip, ito ang nagudyok sa kaniya para umpisahan ang kaniyang journey para magpapayat.

“Si Eruption kasi sobrang fit niya talaga, sobrang dedicated niya sa pagwowork out and meron siyang sinabi sakin non, parang first time namin mag-meet in person pero sobrang close namin talaga, siguro for how many years na din, then noong first meet up namin sabi niya ‘bro bat ang taba mo pala in person?’ Ako, gulat ako, di niya in-expect na ganon ako kataba talaga and then ayun nag-decide ako [dahil kay] Eruption. Siguro, di ko inisip as negative ‘yun. Parang inisip ko siya as positive, siguro ito na yung sign parang road to healthy lifestyle na rin talaga and yeah, si Eruption talaga yung pinaka-nagtrigger sakin magwork out ako,” sabi ni Hypebit$.

Hindi naging madali tahakin ang daan para maging healthy, at noong umpisa nakaramdam ng hilo si Hypebit$. Ngunit hindi ito pumigil sa kaniya para maging fit.

“Parang kailangan lang talaga ng dedication and yung mindset mo na gusto mo yung ginagawa mo, or kailangan mong kayanin kasi di naman tayo tumatanda ng paurong, so the more na nadadagdagan yung age natin, the more na prone tayo sa sickness kaya isa rin yon sa pagtuloy tuloy ng workout ko,” ani niya. 

Mas gusto rin ni Hypebit$ ang maging malusog dahil sa isang pangyayari sa supermarket na nagsilbing isang wake up call sa kaniya.

“Kasi di ko talaga minamadali yung pagpayat gusto ko lang talaga din na, kasi one time din, di talaga ako nalabas ng bahay since pandemic din, so lumalabas lang ako ng bahay if needed if bibili ng mga food essentials then one time nagulat ako sa sarili ko kasi wala pang 30 minutes na naglalakad sa supermarket parang hinihingal na agad ako, parang may something na mali. Isa rin yun na nagpa-trigger sakin na kailangan ko na maging healthy o kailangan ko na magpapayat, kailangan ko na maging fit,” sabi niya.

Ano naman ang nagsisilbing motivation niya sa tuwing gusto na niya sumuko? Sabi ni Hypebit$, ang kaniyang ‘crush.’

“Pero siguro yung naging motivation ko talaga doon yun talaga, to be honest, real talk to, ‘yung crush ko talaga. Whenever na nahihirapan ako, iniisip ko lang siya, kailangan kong gawin to para mapansin ako ng crush ko, honestly yun talaga yung dahilan kaya na-momotivate o na-pupush ko pa sa limit yung sarili ko,” ani niya.

Payo ni Hypebit$ sa mga gustong magsimula sa kanilang weight loss journey: gawin mo na ngayon.

“Kasi yung pagiging healthy kasi kahit anong gawin natin hindi siya nabibili ng kahit anong amount ng pera, so kailangan talaga doon is effort and positive na mindset. So goodluck, sana namotivate ko kayo o na-engganyo ko kayo sa journey ko.”