Hindi pa muna matutuloy ang pagbabalik ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 8 sa Agosto 13.

Opisya nal inanusiyo ng Moonton ang desisyon sa isang post sa kanilang opisyal na Facebook page. Alinsunod ito sa muling pagsasailalim ng National Capital Region sa mas mahigpit na ECQ o Enhanced Community Quarantine, ang pinaka-istrikto na quarantine restriction sa Pilipinas.

“Due to the implementation of ECQ in Metro Manila from August 6-20, the start of the MPL-PH S8 Regular Season will be postponed. We want to prioritize the health and safety of everyone,” sulat ng MPL-PH.

https://www.facebook.com/mplph.official/photos/a.138798227940395/357519299401619/

Masasagasaan ng ECQ ang unang dalawang linggo ng Regular Season na nakatakda sanang ganapin sa ika-anim hanggang ikawalo ng Agosto at ika-20 hanggang sa ika-22 ng parehong buwan.

Inaasahang iaanunsiyo ang updated schedule ng MPL-PH Season 8 sa mga susunod na araw.