Kasama ka ba ng Blacklist na sumusubok na i-break ang code? O mas naniniwala ka na #BrenLangMalakas?

Kahit sino man ang iyong sinusuportahang Mobile Legends: Bang Bang team, sagot ka ng MPL Philippines at Lawson!

Nagtambalan ang dalawang higanteng brands para ilabas ang Legendary cups merchandise! Tampok sa merch na ito ang walong teams na kalahok sa tumatakbong MPL PH Season 8.


Mga kupunang tampok sa MPL PH x Lawson legendary cups

Maaaring pagpilian ng mga fans ang walong teams na bida sa kaniya-kaniyang cup desings:

Maglalabas ng leaderboard na ibabase sa popularidad ng bawat cup design.


Presyo ng MPL PH x Lawson legandary cups

Credit: MPL PH

Bumili ng 12-ounce Houseblend Iced Tea sa halagang PH₱29 lamang o 12-ounce Lawson Blends Iced Coffee na PH₱28 lamang para makuha ang special Mobile Legends cups na ito.


Mag-redeem ng codes at makakuha ng in-game items sa MPL PH x Lawson legendary cups!

Credit: MPL PH

Sa bawat bili ng mga cups na ito, makakatanggap ang mga players ng special codes na maaaring magkaroon ng exclusive in-game Mobile Legends items. Matatagpuan ang mga ito sa ilalim ng cup.

Maaaring i-redeem ang Mobile Legends codes na ito sa official website ng laro.

Bukod dito, may tiyansa ding manalo ang mga fans ng additional merchandise kapag nakumpleto nila ang walong cups.


Saan mabibili ang MPL PH x Lawson legendary cups

Credit: MPL PH

Maaaring mabili ang mga legendary cups na ito mula sa kahit sanong Lawson Philippines branch nationwide. Available lamang ang mga special merchandise na ito mula August 24 hanggang October 25.

Pagsalin ito ng sulat ni Kristine Tuting: Cheer for your favorite teams with MPL PH and Lawson’s legendary cups | ONE Esports