Nagbukas ang Impunity Esports ng contest bilang selebrasyon sa pagpasok ng Genshin Impact sa Honkai Impact 3.

Ang “Play Genshin in Honkai 3 Creative Contest” ay bukas para sa lahat ng artists, cosplayers at content creators.

Credit: miHoYo

Inaanyayahan ng Southeast Asian esports organization na Impunity Esports ang lahat ng fans ng Genshin Impact at Honkai Impact 3 na sumali sa “Play Genshin in Honkai 3 Creative Contest”. Layunin ng patimpalak na ito na ilabas ang creativity ng fans ng dalawang role-playing video games base sa Genshin Impact x Honkai Impact event collaboration.

Binubuo ang contest na ito ng apat na kategorya – livestream, cosplay, art, at video content creation.

Ang mga mananalong entries ay makakakurot sa US$6,200 cash prize kasama ang official ASUS ROG peripherals tulad ng mga mouse at headset.


Paano makakasali sa Genshin Impact x Honkai Impact 3 contest

Credit: miHoYo

Lahat ng mga sasali ay dapat nakatira sa Singapore, Malaysia o Cambodia at may 13 taong gulang pataas. Ang mga mananalo ay pipilin ng parehong judges at fans kung saan 40% ang sa mga judges at 60% naman ang magmumula sa fan voting.

Heto ang mga particular na panunutunan para sa bawat kategorya:

Livestream

Ang lahat ng streamers ay kailangang makipag-ugnayan sa Impunity Esports para maka-book ng oras para sa kani-kanilang stream na magaganap sa ikalawang lingo ng ng Hulyo.

Ang bawat livestream ay dapat tatagal ng isang oras kung saan maglalaro ng Honkai Impact ang streamer kasama ang Genshin Impact na tema. Nakabase ang performance ng stream kung gaano ito nagbibigay kaalaman sa mga nanunuod, kung nakakaengganyo bai to, kung may kaugnayan ba ito, gayundin ang entertainment value at style points.

Cosplay/Anime Life

Para sa mga cosplayers naman, ibabase ang kanilang grado sa kanilang presentation, kawastuhan ngmga detalye gayudin ang pagkakagawa ng kani-kanilang mga constumes.

Maaaring magsumite ng multiple entries.

Comics

Ang mga comics tungkol sa Genshin at Honkai Impact 3 ay dapat nasa JPG, PNG o GIF na format. Maaari ding magpasa ng multiple entries dito. Paalala para sa mga artists na dapat isumite nila kasama ng kanilang finished works ang work-in-progress na dokumento tulad ng drafts o mga sketches.

Susuriin ang style, creativity at storyline ng mga artworks na ito.

Creative Video

Kinakailangang lima hanggang sampung minute ang video na isusumite ng content creators. Huhusgahan ang mga entries sa kung gaano ito nagbibigay kaalaman, kaugnayan sa tema, pagkamalikhain at entertainment value.

Ang sinomang interesado ay maaaring bumisita sa website ng Impunity Esports para makita ang kabuuan ng mga panuntunan sa “Play Genshin in Honkai 3 Creative Contest.”

I-click ang link na ito para makaregister at sign up para sa Genshin Impact x Honkai Impact 3 contest.

At kung hindi mo pa nalaro ang Honkai Impact 3, maaari mo itong i-download sa link na ito.