Nakabase ka ba sa Vietnam at gustong magsimula ng karera sa esports? Kung oo, hindi mo dapat palampasin ang oportuninad na ito.
Kailangan ka ng Gen.G sa kanilang team

Opisyal na naglabas ng panawagan ang South Korean esports organization na Gen.G para sa mga young talents sa Vietnam na gustong sumali sa lineup nila na isasabak sa LCK Challengers at Academy. Ang maswerteng mga Vietnamese players na mapipili ay maaaring mabase sa training center ng grupo sa Seoul, South Korea.
Eto ang mga requirements para sa mga Vietnamese LoL players na gustong sumabak:
- must be under 21 years old
- must be above Master tier in the Vietnam server
- must be able to relocate to their Academy training center
- must be qualified to live in the team camp
- must be qualified for overseas travel
- fluent in English (preferred)
Ang LCK Dream ng mga Vietnamese LoL Players

Hindi masyadong mahigpit ang Gen.G sa kanilang criteria sa pagkuha ng mga Vietnamese na LoL players. Tipikal sa mga Vietnamese LoL teams na kumuha lamang ng players na nasa Challenger tier sa Vietnamese server, at Master tier naman sa Korean server.
Dahil sa hirap na dinala ng COVID-19 pandemic sa mundo kasama pa ang potensyal na problema sa visa sa Vietnam, maaaring maging malaking hamon ang paglabas ng Vietnamese LoL players sa bansa lalo na kung unang beses pa lamang nila gagawin ito.
Kasasma nito, maaari ding maging pagsubok ang malaking language barrier kung titira sila sa ibang bansa. Kaya naman matinding passion at determinasyon ang kinakailangan ng mga gustong sumali para makamit nila ang pangarap na makapaglaro sa LCK.
Isa sa mga pinakatanyag na League of Legends team ang Gen.G. sa LCK region. Madami na ding kilalang pro players ang nanggaling sa team na ito tulad nila Lee “Crown” Min-ho, Kang “Ambition” Chan-yong, at Jo “CoreJJ” Yong-in.
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magpadala ng kanilang application sa [email protected].