Inilahad kamakailan ng 2K ang mga gameplay update para sa NBA 2K22 na nakatakdang i-release sa September 10.

Idinetalye dito ang listahan ng mga swabeng feature na kinabibilangan ng mas mabilis na gameplay, mas responsive na galaw, mas skill-based na opensa, mga pagbabago sa player builder at iba pa.

“From the outset, our goal was to create fun and competitive gameplay that ensures NBA 2K22 delivers one of the most authentic sports gaming experiences out there,” sabi ni Mike Wang, Gameplay Director at Visual Concepts.

“This year, working with our community, we utilized direct feedback to address some of the key changes they are looking for and deliver a number of new gameplay enhancements that will further elevate the experience in this year’s game,” dagdag pa niya.


Mga highlight ng NBA 2K22 gameplay update

Credit: NBA 2K

Narito ang ilan sa mga importante at bagong innovation sa gameplay:

Defense & Defensive AI

  • Ni-rebuild ang shot contest at blocking systems, isang mahalagang update sa fundamental defensive rotations at marami pang iba.

Dribbling

  • Makakaranas ang mga player ng unique feel at rhythm habang nagsa-size up ng kalaban, mas mabilis na overall pace at mas mahigpit na kontrol habang tumatakbo sa court. Bukod pa rito ang mga bagong combo, cancel at move chain.

Post Play

  • In-upgrade ang highlight loads ng mga bagong content kabilang na ang bagong arsenal na mga back-to-basket move.

Shooting

  • May bagong shot meter na nag-e-expand dynamically kapag tumitira ng high-quality shots gamit ang mga good shooter ngunit numinipis kapag nako-contest nang matindi ang tira, low-rated shooter ang gamit o ‘di kaya’y fatigued. 
  • Maglalagay ang NBA 2K22 ng mas malalim na emphasis sa Shot IQ. Nangangahulugan ito na ang mga koponan na gumagawa ng mga open look at mautak na tumitira ay magiging mas matagumpay kaysa sa mga koponan na nagpipilit ng mga pangit na tira. 

Finishing

  • Kasama ng pagtuon ng pansin sa paggawa ng mas malawak na skill gap sa pag-finish sa rim, pwede na ring ma-customize ng mga player ang pagdakdak gamit ang pinakabagong Dunk Style Creator.

Builds, Badges & Takeover

  • Ang mga adjustment para makagawa ng mga mas balanced na build at ang pagdagdag ng total badge count pataas sa 80 ay magbibigay ng mas maraming paraan para makagawa ng impact sa laro ang mga player. 
  • Ilalabas ang feature na Takeover Perks sa PlayStation 5 at Xbox Series X|S. Pwede mo itong ma-unlock para mapalakas ang iyong existing Takeover abilities. 

Mga update sa MyTEAM

Credit: NBA 2K

Magkakaroon din ng mga update sa MyTEAM na kinabibilangan ng bagong multiplayer mode na MyTEAM Draft at isang $250,000 MyTEAM Unlimited Tournament para sa mga player (isang track para sa PlayStation 4/Xbox One consoles at isa pa para naman sa PlayStation 5/Xbox Series X|S consoles).

MyTEAM Draft

  • Isang bagong multiplayer mode kung saan ang mga player ay pipili ng buong lineup ng Player Cards. Bawat Draft ay magbibigay sa player nang garantisadong League Pack at isang pick sa Draft-exclusive Ascension.

Triple Threat Online

  • Ang 100 ay isang bagong take sa 3-on-3 mode kung saan ang mga player na magaling dumepensa ay makakuha ng mas maraming reward.

Season 1: Call to Ball

  • Makakuha ng bagong Seasonal Player Reward Cards tulad ng Kobe Bryant 93-rated Free Agent card na manguguna sa mga starting lineup o abutin ang Level 40 para makuha ang Pink Diamond Carmelo Anthony.

Community Logos

  • Ang mga player na nakatanggap ng in-game verification ay malalagyan na ng kanilang logo sa tabi ng username nila sa MyTEAM. Ang ibang mga player ay magkakaroon ng tsansa na magkaroon din nito ngayong taon depende sa mapipili ng NBA 2K Community Team.

Bagong challenges, agendas, rewards, events at marami pang player & team customization sa buong taon.


Para sa kabuuan ng mga detalye, bisitahin ang pinakabagong Courtside Report tungkol sa update sa gameplay at MyTEAM.