Gusto mo bang maglaban-laban sa isang fighting game ang mga paborito mong cartoon characters nung bata ka pa?
Matutupad na ang hiling mo dahil inanunsyo ng game developer na Ludosity ang Nickelodeon All-Star Brawl. At ang mas nakakatuwa pa ay meron itong magandang netcode para sa online play.
Ano ang Nickelodeon All-Star Brawl at bakit interesado ang FGC dito?

Ang Nickelodeon All-Star Brawl ay magkakaroon ng parehong fighting game mechanics ng sikat na Super Smash Bros series ng Nintendo.
Hanggang sa apat na player ang pwedeng maglaban-laban sa isang two-dimensional stage na may platform elements na maihahalintulad sa Super Smash Bros ng Nintendo.
Kung hindi ka pa nakakapaglaro ng Super Smash Bros, ang ideya ng game ay pagsama-samahin ang mga pinakasikat na characters, at paglaban-labanin sila sa isang labu-labo hanggang sa isa na lang ang matira.

Listahan ng mga Nickelodeon All-Star Brawl characters
- Michaelangelo (Teenage Mutant Ninja Turtles)
- Lincoln Loud (The Loud House)
- Powdered Toast Man (Ren and Stimpy)
- Sandy Cheeks (Spongebob SquarePants)
- Patrick Star (Spongebob SquarePants)
- Oblina (Aaahh!! Real Monsters)
- Nigel Thornberry (The Wild Thornberrys)
- Lucy Loud (The Ould House)
- Spongebob Squarepants (Spongebob SquarePants)
- Helga (Hey Arnold!)
- Reptar (Rugrats)
- Zim (Invader Zim)
- Danny Phantom (Danny Phantom)
- Leonardo (Teenage Mutant Ninja Turtles)
Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit naiintriga ang FGC sa Nickelodeon All-Star Brawl ay ang rollback netcode feature – ang pinakamataas na antas ng connection para sa online-based play sa ngayon.
At dahil ang Nintendo ay gumagamit pa rin ng makalumang delay-based netcode, kumbinsido ang mga fighting game fans na magbibigay ng mas magandang online experience ang Nickelodeon All-Star Brawl kumpara sa game na pinagbasehan nito.
Bakit mas maganda ang rollback netcode kaysa delay-based netcode

Rollback netcode
Mas gusto ng FGC ang mga fighting games na gumagamit ng rollback netcode dahil halos katulad ito ng paglalaro offline.
Hindi kinakailangan sa rollback netcode na matanggap ng dalawang players ang inputs bago ito lumabas sa game. Sabay na tumatakbo ang game sa magkabilang players, at agad ding lumalabas ang inputs nila, kung saan nape-predict ng netcode ang galaw ng bawat player.
Kung mali ang netcode, itatama ng game ang sarili at magro-rollback bago pa mangyari ang maling prediction. Sa gayon, kahit sinong may matinong internet connection ay magkakaroon ng mabilis at responsive na online playing experience.

Delay-based netcode
Ang Super Smash Bros. Ultimate, Street Fighter V, at Tekken 7 ay gumamit ng delay-based netcode nung simula, kung saan kailangan maghintay ng magkabilang players ng input na mangyari sa game pagkatapos nito umikot sa kani-kanilang mga connections.
Ang Super Smash Bros. Ultimate ay gumagamit pa rin ng delay-based netcode hanggang sa ngayon, na mahirap para sa mga players dahil ramdam nila na laging delayed ang mga inputs.
Ang Nickelodeon All-Star Brawl ay magiging available ngayong fall at lalabas sa PlayStation 4, PlayStation 5, Nintendo Switch, Xbox One, at Xbox Series X|S.