Kung may bakbakang bumubuhay ng daga sa dibdib ng mga fans, ito ang seryeng NXPE vs RSG PH na gaganapin sa Day 1 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 8 Playoffs.

Haharapin ng 3rd seed Nexplay EVOS ang pangahas na 6th seed RSG Philippines sa isang Best-of-Five series, kung saan malalaman kung sino ang aangat at tatapat sa ONIC Philippines.

Pero bago pa man magsimula ang bakbakan, alamin natin kung ano ang naging kalagayan ng dalawang teams sa regular season ayon sa stats, kabilang na din kung ano ang naging performance nila kontra sa isa’t-isa.

Performance ng Nexplay at RSG ayon sa pinakahuling statistics

Credit: RSG Philippines

Mapapansin sa mga nailistang numero sa kabuuan ng MPL PH Season 8 regular season ang layo ng assists, lord kills at turtle kills ng RSG Philippines kumpara sa Nexplay EVOS.

CategoryNexplay EVOSRSG Philippines
Kills per Game13.2112.79
Assists per Game24.5929.29
Lord Kills2737
Turtle Kills3657
Towers Destroyed181211

Dala na rin ito ng swabeng rotation at mechanics na ipinakita ng support duo na binasagang “Pasma Duo” na kinabibilangan ni EJ “Heath” Esperanza at Arvie “Aqua” Calderon.

Bagamat may katwirang sabihin na mas nakatuon sa objectives at mas desimulado ang team fights ng nasabing kupunan, hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang nagawa ng NXPE ngayong season.

Mababalikang isa sa may pinakamaraming series sweeps ang Nexplay noong nakaraang season na nagtala ng limang sweeps, habang ang RSG naman ay nakapagtala lamang ng dalawa.

Bukod dito, maganda ring bigyang pansin ang bilang ng unique heroes na isinasalang ng kupunan sa kanilang mga laban. Sa statistics mula sa MPL Philippines, makikitang may 49 unique hero picks ang NXPE, habang 41 lamang ang nailabas ng kupunan ni Brian “Coach Panda” Lim.

Maaaring sabihin na mas komportable ang Nexplay na magpasok ng bagong lutong strategy at hero composition sa laro, na maaaring makatulong sa kanilan sa paparating na playoff bakbakan.


NXPE vs RSG PH sa Regular Season

Credit: Nexplay EVOS

Tampok as Week 3 Day 1 at Week 7 Day 1 ang NXPE vs RSG PH matchups na nagpakita ng kalibre ng dalawang teams sa regular season.

Sa nasabing mga regular season series, dominante ang Nexplay EVOS na naglista ng parehong 2-0 sweep na tumulong sa team ni Setsuna “AkosiDogie” Setsuna na umakyat sa 3rd place, malayo sa kanilang dalawang magkasunod na 8th place finish sa seasons 6 at 7.

Laman ng highlight reels ang naganapa sa Game 1 ng NXPE vs RSG PH Week 7 matchup kung saan magnipikong performance ni Renejay “RENEJAY” Barcase sa kaniyang Benedetta ang naging susi sa comeback victory sa 36 minutong bakbakan.

Screenshot ni Maouie Reyes/ ONE Esports PH

Sa huling game na nilaro ng parehong team, magilas na Hayabusa gameplay ang ipinakita ni John Paul “H2wo” Salonga na pumunit sa RSG PH para ilista ang 10/1/1 KDA.

Sa pagpasok ng playoff matchup ng dalawang team, maasahan kayang pareho ang kahihinatnan ng RSG? Magsisimula ang NXPE vs RSG PH best-of-five series ng alas-tres ng hapon.


Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa mga kupunan sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports PH!