Handa ka na ba kalabanin ang mga nasumpang espiritu sa smartphone mo? Mararanasan mo na ang sikat na anime na ito sa bagong Jujutsu Kaisen game na maaring ilaro sa bagong medium na ito!

Ano ang alam natin tungkol sa Jujutsu Kaisen game 

Credit: MAPPA

Matapos ang labas ng Demon Slayer at One Piece, ang sikat na shounen anime na Jujutsu Kaisen ay papasok na din sa gaming world para maghatid ng sariwang content sa lumalaki nilang franchise.

Ang opisyal na mobile game ng animated series na ito na ang tawag ay Jujutsu Kaisen Phantom Parade ay magiging isang free-to-play RPG title na binuo ng Sumzap, ang mga developers ng KonoSuba game, isa pang anime series na ginawang isang video game.

Maaring makaengkwentro ng mga espesyal na grade curses ang mga players sa laro tulad ng Mahito, Hanami, at Jogo, base sa key visual art ng Jujutsu Kaisen Phantom Parade.

Jujutsu Kaisen Phantom Parade: Release date at kumpirmadong characters 

Ang mga first-year na estudyante ng Tokyo Jujutsu High na sina Itadori Yuji, Fushigiro Megumi, at Kugisaki Nobara ay kumpirmadong characters sa Jujutsu Kaisen game.

Siyempre, ang mga batang ito ay mangangailangan ng patnubay mula sa kanilang mga mentors na sina Gojo Satoru at Nanami Kento, na lalabas rin kasabay ng trio.

Hindi pa inanunsyo ng Sumzap ang release date ng Jujutsu Kaisen Phantom Parade, ngunit ito ay lalabas para sa mga Android at iOS users sa Japan. Susunod ang isang global release, dahil sa international na tagumpay ng Jujutsu Kaisen.

https://www.instagram.com/p/CMV9Gt1hfoI/?utm_source=ig_embed&ig_rid=b151a61c-93dc-480b-b34a-73a511ea316f

Isa sa pinakamainit na anime shows ngayon ang Jujutsu Kaisen, at umiikot ito sa high school na estudyanteng sina Itadori Yuji, na nasa gitna ng isang gyera ng mga isinumpang espirito matapos niyang malunok ang isang isinumpang talisman. Para sa karagdagang updates, bisitahin ang opsiyal na website ng Jujutsu Kaisen game.

Maaring I-stream ang Jujutsu Kaisen sa Netflix kasabay ang iba pang mga anime series.