Maghanda na kayong mga party game goers!

Ang Epic Games Store ay namimigay ng libreng kopya ng magulong co-op party game na Overcooked 2.

Paano makakuha ng libreng Overcooked 2 sa Epic Games Store

Overcooked2 screenshot EpicGamesStore
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Para makuha ang iyong libreng kopya, mag-log in lang sa iyong Epic Games Launcher at i-click ang Store tab.

Mula dito, mag-scroll down papuntang Free Games section at i-click ang Overcooked 2.

Kapag nasa game page ka na, i-click ang Get option, i-click naman ang Place Order button sa susunod na page para mai-add ang game title sa iyong Epic Games Store library.

Kung wala ka pang Epic Games account, pwede kang mag-register ng libre dito.

Tungkol saan ba ang Overcooked 2?

Kung hindi ka pamilyar sa larong ito, ang Overcooked 2 ay isang game kung saan ang bidang chef ay nagluluto ng mga putahe at nangongolekta ng mga recipes para iligtas ang Onion Kingdom.

Mukha syang madali sa simula, pero makakaranas ka ng iba’t ibang sagabal tulad ng fire outbreaks, collapsing floors, at gumagalaw na work surfaces na talagang susubok sa iyong cooking skills.

Ang game ay merong solo play at 4-player local at online co-op, kaya siguruhing sabihan ang iyong mga kaibigan na kumuha na rin sila ng libreng kopya.

Namimigay din ang Epic Games ng libreng kopya ng Hell is Other Demons, isang action-platform shooter na may Roguelite elements.

Ang Overcooked 2 at Hell is Other Demons ay magiging available ng libre sa Epic Games Store hanggang June 24, 11:00 p.m. GMT+8.