Ang Genshin Impact ang pinakasikat na open-world role-playing game sa panahon ngayon. Libre ito sa lahat nang platforms – PC, mobile, PlayStation, at malapit na sa Switch.

Ang game ay opisyal na inilabas noong September 28, 2020, at nagkaroon ng milyung-milyong mga players magmula noon.

Narito ang gabay kung paano malalaro ang Genshin Impact sa PC, mobile, at iba pa.


Paano malalaro ang Genshin Impact

Paano malalaro ang Genshin Impact sa PC (Windows)

GenshinImpact AetherPaimonFischlMonaScaramoucheWallpaper
Credit: miHoYo

Narito ang gabay kung paano malalaro ang Genshin Impact sa PC:

  1. Magpunta sa official Genshin Impact website.
  2. I-click ang Windows installation link.
  1. Buksan ang .exe file, at lalabas ang installation window.
  2. I-check ang “I have read and agree to the Software License Agreement” at i-click ang “Install Now” button.
  3. Tapusin ang installation at piliin ang “Run Now” para i-run ang launcher.
  4. I-click ang “Get Game” para ma-download ang game files ng Genshin Impact.
  5. Pagkatapos ng pag-download, i-click ang “Launch” button para simulant ang paglalaro.

Paano malalaro ang Genshin Impact sa PC (Mac)

Sa kasamaang palad, hindi pa available ang Genshin Impact sa mga Mac devices. Sa ngayon ay hindi pa pwedeng laruin ang game sa Macintosh computer.


Paano malalaro ang Genshin Impact sa mobile (Android at iOS)

GenshinImpact AndroidGooglePlayStore-
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Kuna nais mong laruin ang Genshin Impact sa iyong Android o iOS mobile device, sundan ang mga sumusunod:

  1. I-search ang “Genshin Impact” sa Google Play Store o Apple App Store at pindutin ang “Install” button. Maaari rin itong i-download sa Android o iOS dito.
  2. Buksan ang app.
  3. Maaaring mag-login gamit ang iyong email, Facebook, o Twitter account. Kung wala ka pang account, maaari kang mag-register sa alin mang platform.
  4. I-check ang lahat nang Terms of Service and Privacy Policy Notice boxes.
  5. Pumili ng preferred server (America, Europe, Asia, or TW, HK, MO).
  6. I-tap ang screen upang ma-install ang mga resources ng game. Siguraduhing puno ang battery ng iyong device.
  7. I-tap ang screen at maglaro.

Paano malalaro ang Genshin Impact sa PS4/PS5

GenshinImpact PlayStation4
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Libre ang Genshin Impact sa lahat nang platforms, kabilang ang PlayStation 4 at 5. Narito ang mga hakbang upang malaro ang genshin Impact sa PS4/PS5:

  1. Buksan ang iyong PSN Store.
  2. I-search ang “Genshin Impact” o gamitin ang Genshin Impact PSN Store link.
  3. I-select ang “Download” para simulant ang pag-install ng game.
  4. I-run ang game at maglaro ng Genshin Impact.

Paano malalaro ang Genshin Impact sa Switch

GenshinImpact SwitchNintendo
Credit: miHoYo

Bagama’t kumpirmado nang magkakaroon ng Genshin Impact sa Nintendo Switch, hindi pa available ang game sa platform. Naglabas ang miHoYo ng isang 30-second Japanese trailer ng Genshin Impact sa Switch.

Wala pang eksaktong petsa kung kalian lalabas ang Genshin Impact sa Switch.

Genshin Impact crossplay – maaari bang maglaro ang PC at PS4 na magkasama?

Merong crossplay feature ang Genshin Impact. Ipinakilala rin ang  cross-save function sa PlayStation sa paglabas ng Version 2.0, kung saan maaari nang mag-crossplay ang PS players sa lahat nang platforms.

I-link lang ang iyong PlayStation Network account sa iyong miHoYo account upang makapag-crossplay.

Available din ang Genshin Impact crossplay feature para sa mga PC at mobile players.

Sana ay nakatulong ang guide na ito upang makapaglaro ka ng Genshin Impact.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.