Ito ang pinakamainit na game ngayon, at syempre mas masaya kung kasama ang mga friends sa Pokemon UNITE.

Ang Pokemon UNITE ay available na sa Nintendo Switch at mobile, at pwede nang mag-add ng friends mula sa parehong platform dahil nilagyan it ng mga developers ng cross-platform gameplay.

Kung wala pa rin sa friend list nyo ang mga kaibigan nyo, narito ang paraan kung paano sila maia-add bilang friends sa Pokemon UNITE maging mobile man o Nintendo Switch.

Step-bystep guide kung paano mag-add ng friends sa Pokemon UNITE

PokemonUnite Sidebar
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Step 1: Buksan ang Friend menu

Para sa Nintendo Switch

Mula sa home screen, kung saan makikita ang trainer at ang featured Pokemon, pindutin ang purple button na may putting plus icon sa bottom left ng screen

Para sa mobile

I-tap ang trainer portrait sa upper left corner ng screen, i-scroll pababa upang makita ang Friends menu.

PokemonUnite Friends Menu
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Step 2: I-click ang “Friend Search” button

Sa Friends section, i-click ang Friend Search option at magkakaroon ka ng dalawang options:

  1. An Add Friend button
  2. Trainer ID searchbar
PokemonUnite NintendoAccountFriends
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Step 3: I-add ang mga friends mula sa iyong social media gamit ang “Add Friend” button

Sa pag-click ng Add Friend button, lalabas ang listahan ng iyong mga friends mula sa iyong Nintendo Account para sa Switch at Facebook para sa mobile.

Ito ang mabilis na paraan para mai-add ang mga taong kilala mo na sa iyong Pokemon UNITE friend list.

PokemonUnite TrainerInfo
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Step 4: Mag-add ng friends sa Pokemon UNITE gamit ang Trainer search

Kung hindi mo mahanap ang iyong friend sa Add Friend option, maaari kang mag-add ng friends gamit ang kanilang unique Trainer ID. Ang ID ay makikita sa taas ng kanilang pangalan sa kanilang Trainer profile card.

Maaari mong ma-access ang iyong trainer card mula sa top left corner icon ng iyong home screen.

PokemonUnite Friends
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Paano mag-accept ng friend request sa Pokemon UNITE

Kung ikaw naman ang in-add ng iyong friend, simple lang ang pag-accept ng request.

Pumunta lamang sa iyong Friends tab at i-click ang “Requests” sa bottom right corner. Dito ay maaari mong mong i-accept o i-decline ang mga friend requests.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.