Sa pagtatapos ng PlayStation Showcase 2021, sobrang daming ibinigay na detalye tungkol sa mga games na dapat abangan. Bagama’t wala sila sa E3 ng taong ito, siksik naman sa content ang katatapos lang na showcase.

Kabilang sa mga games na ipinakita ay ang Star Wars Knight of the Old Republic Remake, God of War: Ragnarok, at Spider-Man 2. Ngunit bukod sa mga bigating games na ‘to, marami ring mga bagong titles na nakahuli ng interes ng maraming gamers, tulad ng Project Eve, Forspoken, at Ghostwire: Tokyo.
Ang Project Eve ng Korean developer na Shift Up Corporation ay maaksyon na parang Bayonetta. Malayo naman sa tipikal na mala-anime games ng Square Enix ang Forsaken ng Luminous Production sa kabila ng pagiging parte ng higanteng videogame company. Iba man ang istilo ay sobrang astig pa rin ng gawa ng sikat na Japanese studio.
Mga games na inanunsyo sa PlayStation Showcase 2021
Narito ang listahan ng mga games na tampok sa PlayStation Showcase 2021 na dapat nating abangan.
Star Wars: Knights of the Old Republic Remake
Project Eve
Tiny Tina’s Wonderlands
Forspoken
Rainbow Six Extraction
Alan Wake Remastered
Grand Theft Auto V Enhanced Edition
Ghostwire: Tokyo
Marvel’s Guardians of the Galaxy
Vampire: The Masquerade – Blood Hunt
Deathloop
Tchia
Uncharted: Legacy of Thieves Collection
Marvel’s Wolverine
Gran Turismo 7
Marvel’s Spider-Man 2
God of War: Ragnarok
Alin sa mga titles na ‘to ang pinaka-excited kang malaro?