Inilabas na ng mga game developers na TiMi Studio at The Pokémon Company ang una nilang major patch para sa Pokémon Unite. Bagong adisyon ang Gardevior sa roster ng mga Pokémon na maaaring malaro, habang nabigyan naman ng matinding nerf ang Charizard.

Heto ang mga pagbabago kasama ng patch 1.1.1.3, kasama ang mga detalye tungkol sa Gardevoir.

Ipinakilala sa Pokémon Unite patch 1.1.1.3 si Gardevoir, isang ranged attacker Pokémon

Credit: Nintendo

Maaari ng bilhin sa shop ang Unite License ng Gardevoir sa 8000 Aeos coins o 460 Aeos gems.


Basic Attack

  • Magiging boosted attack pagkaraan ng pangatlong attack. Kapag tumama ang boosted attack hits, area of effect ang damage nito sa kalabang Pokémon at pinapababa saglit ang Sp.Def nito.

Passive Ability – Synchronize

  • Kapag tumira ang kalabang Pokémon na may speed o damage-over-time condition sa Gardevoir, kapareho ang epekto nito sa kalaban. May karampatang cooldown ito pagkatapos nito ma-trigger.

Skill 1 – Confusion | Maaaring ma-upgrade papuntang Psychic o Moonblast sa level 8 

  • Diretso ang atake sa direksyong nais.

Skill 1 Upgrade – Psychic

  • Matapos ma-hit ang kalabang Pokémon o kung maglakbay ng maximum distance, mag-deadeal ang Gardevoir ng area of effect damage over time sa kalaban at saglit na babawasan ang movement speed nito.
  • Upgrade: Babawasan ang cooldown ng move.

Skill 1 Upgrade – Moonblast

  • Aatake ang user habang umaatras para makagawa ng distansiya. Kapag tumama ang atake, makakapag-deal ang Pokémon ng damage sa kalaban, at saglit na hindi makakaatake ang kalabang Pokémon na pinakamalapit sa user.
  • Upgrade Magkakaroon ng shield ang user kapag ginamit ang move na ito.

Skill 2 – Teleport | Maaaring i-upgrade papuntang Psyshock o Future Sight sa level 6

  • Ma-wawarp ang area ng user at mapapataas ang damage ng isang basic attack matapos ang pag-warp.

Skill 2 Upgrade – Psyshock

  • Aatake sa piniling lokasyon ng tatlong beses. Ang cooldown ng move na ito ay mababawasan bawat pagtama ng atake sa kalaban.
  • Upgrade: Pinapataas din nito ang damage ng move bawat pagtama ng atake.

Skill 2 Upgrade – Future Sight

  • Mag-seset ng delayed explosion. Kapag tumama ang explosion sa kalabang Pokémon, mababawasan ng move na ito.
  • Upgrade: Ma-rereset ang cooldown ng move kapag tumama ang explosion sa kalaban.

Unite Move – Fairy Singularity

  • Ma-wawarp ang space ng piniling area na hihigop sa kalabang Pokémon. Itutulak ang kalaban at bibigyan ito ng damage pagkatapos mawala ang warped space.

Mga bug fixes at system updates sa Pokémon Unite 1.1.1.3 update

Credit: Nintendo

Bug Fix – Charizard

  • Hindi gumagana ang Fixed Muscle Band kapag kinabit sa Charizard.

System Updates

  • Mga bug fixes
  • Text fixes
  • Shop updates

I-check out ang opisyal na Pokémon Unite twitter para sa mga susunod pang updates!