Tumabi muna kayo, Mobile Legends: Bang Bang at Arena of Valor – ang official Pokemon MOBA game, Pokemon UNITE, ay malapit nang malaro sa Nintendo Switch at mga mobile devices.

Pokemon UNITE release date inanunsyo

PokemonUnite PosterWallpaper
Credit: Nintendo

Isang taon matapos ianunsyo, ang unang Pokemon strategic team battle game na Pokemon UNITE ay halos handa na para sa global release nito.

Inihayag ng Nintendo na ang mga Switch users ang unang makakapaglaro ng game, susunod naman ang mga mobile users matapos ang ilang buwan.

Pinaplano rin ng mga developers na maglabas ng cross-platform update para makalaro ng mga Switch at mobile players ang isa’t isa.

Dagdag pa rito, ang game ay malo-localize din sa French, Italian, German, at Spanish sa mga susunod na buwan ng taong ito.

Ang Pokemon MOBA game ay lalabas sa Nintendo Switch sa darating na July 2021 at sa mga mobile devices naman sa September.

Ang mga nalalaman namin tungkol sa Pokemon MOBA game

PokemonUnite AeosIsland
Credit: Nintendo

Dinevelop ng mga video game giants na The Pokemon Company at TiMi Studios ng Tencent, ang Pokemon MOBA game ay medyo naiiba sa mga MOBA games na nakasanayan natin.

Ang layunin sa game na ito ay maka-score ng mas maraming points kaysa sa kalabang team sa loob ng sampung minutong time limit.

PokemonUnite Gameplay
Credit: Nintendo

Ang mga teams ay nakakakuha ng points sa pagsakop ng mga capturable areas, tulad ng Dominion game mode noon sa League of Legends.

Ang game ay naka-set sa Aeos Island at magkakaroon ng 19 playable Pokemons sa una nitong labas, kasama ang mga Gen 1 favorites na sina Charizard, Snorlax, Venusaur, Gengar, at syempre si Pikachu.

Bisitahin ang official website ng Pokemon UNITE para sa iba pang detalye.