Si Victor “Punk” Woodley ng Panda ang tinanghal na kampeon ng Capcom Pro Tour 2021 Online Event: North America East 1.

StreetFighterV CPT2021NAEast1 bracket
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Walang talo si Punk hanggang makarating sa Grand Final. Dito ay nakalaban nya muli si Derek “iDom” Ruffin na tinalo nya sa Winners Final sa score na 3-2.

Sa Grand Final, muling nakaharap ng Karin ni Punk ang Poison ni iDom. Dito ay na-reset ni iDom ang bracket sa score na 3-1 sa pamamagitan ng isang throw sa final round.

Sa reset, nanalo si iDom sa unang dalawang games. Nakuha ni iDom ang unang round ng game three at ang potensyal na tapusin ang tournament.

Ngunit hindi basta-basta nagpatalo si Punk. Kinuha nya ang sumunod na dalawang rounds at tinapos ang game nang ma-interrupt ng kanyang medium kick ang EX Love Me Tender ng Poison ni iDom.

Sa game four, ginamit ni iDom si Laura. Nakakapagtaka ang desisyon na ito dahil nawala ang kanyang zoning advantage na meron si Poison. At dito na nagtuloy-tuloy ang pagkapanalo ni Punk. Sa isang reverse sweep ng apat na straight rounds ay tinapos nya ang tournament at tinanghal na kampeon ng Capcom Pro Tour 2021 Online Event: North America East 1.

Sa post-game interview, ibinahagi ni Punk ang halaga ng suporta na nakuha nya mula sa kanyang pamilya at kung paano ito nakatulong sa kanyang pagkapanalo.

“Everyone helped me. My stream, my mom, my girlfriend, my brothers, everyone. You know it feels good to be home,” ibinahagi ni Punk. “This helped me win because I have all the support coming from everyone. No matter win or lose, it all helps you in the end.”