Kung nais mong magpahinga mula sa Roblox platform o permanenteng i-delete ang iyong Roblox account, kailangan mong dumaan sa prosesong ito.
Ang Roblox ay isang gaming platform na nilalaro mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ayon sa bagong statistics, 30 million sa kaniyang active users ay mas bata pa sa 13 years old.
- Rise of the Ronin: Kwento, gameplay, trailer, release date
- Paano makuha ang Beegarde sa Palworld – lokasyon at breeding
Step-by-step guide kung paano mag-delete ng Roblox account
Step 1: Pumunta sa Support form link ng Roblox
Buksan ang iyong browser at i-click ang link na ito para mapunta sa Roblox Support webpage.
Maari mo rin itong ma-access sa pamamagitan ng pagbukas ng Contact Us page sa web browser.
Step 2: Ibigay ang iyong contact information
‘Di tulad ng ibang mga online games, kailangan mong ipaalam sa Roblox team nang direkta na nais mong i-delete ang iyong Roblox account. Siguraduhing naka-log in ka bago mo ipasa ang iyong Support form.
Optional lamang na ibigay ang iyong username at first name. Ang mas importante ay kailangan mong ma-verify ang iyong email address nang dalawang beses.
Step 3: Sagutin ang “Issue Details”
Piliin ang device na ginagamit mo para maglaro ng Roblox. Sa ilalim ng “Type of help”, piliin ang “Delete My Account.”
Hihingan ka ng dalawang sagot, kaya ilagay lamang ang Delete My Account sa pangalawang tanong.
Isang alternatibong paraan para ma-kumpleto ang iyong issue details ay sa pamamagitan ng pagpili ng “Data Privacy Request” bilang ang iyong Type of help category at pagpili ng Right to be Forgotten (RTBF) option.
Step 4: Tiyakin ang iyong request para sa Roblox account deletion
Gamitin ang text box na “Description of issue” para magbigay ng notes o mga instructions kung paano, kailan, at bakit mong gusto i-delet ang iyong Roblox account.
Ang step na ito ang pinaka-importante dahil pinapaalam nito sa Roblox team ang iyong ninanais.
Step 5: Piliin ang Continue at maghintay ng sagot mula sa Roblox Customer Service
Matapos magpasa ng iyong Support form, maghintay ng iilang araw.
Papadalhan ka ng Roblox Customer Service team ng isang email na may mga karagdagang instructions bago matuloy ang pag-delete ng iyong account.
Paalala bago i-delete ang iyong Roblox account
Tandaan na lahat ng progress na nakamit mo sa kahit anong Roblox game ay mabubura kapag na-delete na ang iyong account.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa mga laro.