Ang Beegarde ay isang mahirap hulihin na Pal sa Palworld. Ito ay dahil ang bee-themed warrior na ‘to ay mailap. 

Amazon Steam US50 giftcard
Credit: ONE Esports
KUNIN ITO: US$50 Steam Gift Card

Mayroong survival skill ang Beegarde na “Bee Quiet,” isang escape maneuver. Ang paghuli ng Beegarde sa Palworld ay nangangailangan ng matiyak na plano at stratehiya. 

Saan at paano makahuli ng Beegarde sa Palworld  

Gaming Beegarde Palworld
Credit: LunarGaming Guides YouTube Channel

Tipikal na makakakita ka nito sa mga dungeons ng Palworld, pero para sa mas wastong lokasyon, pumunta sa Mount Flopie Summit. Habang sinisisayat ang lugar, madalas kang makakakita ng Beegarde spawns. 

Amazon Xbox giftcard
Credit: Xbox
KUNIN ITO: $70 Xbox Gift Card

Kapag nakahanap ka na nito, oras na para isagawa ang iyong plano. Ang paghuli sa kanila habang tulog ay ang pinaka-epektibo, ngunit hindi garantisadong makakahanap ka ng natutulog na Beegarde. Isa pang pwede mong gawin ay i-stun sila sa combat bago hulihin. 

Dahil sa kanilang mga kahinahan sa fire elements, ang pagpili ng Pal na may abilidad magdulot ng damage ay mainam. Ang paghalo ng mga methods na ito at paggamit ng isang superior sphere ay nagbibigay sa’yo ng mas malaking tsyansa makahuli ng Beegarde, kumpara sa paggamit ng basic sphere. 

Paano mag-breed ng Beegarde sa Palworld 

Gaming Beegarde Palworld
Credit: Pocketpair

Maliban sa paghuli nito sa gubat, maari ka ring mag-breed ng Breegarde gamit ang iba’t-ibang kombinasyon ng Pals. Ito ang isang listahan na pwede mong gamitin:

  • Tanzee at Melpaca 
  • Fuddler at Eikthyrdeer 
  • Pengullet at Arsox 
  • Tanzee at Dumud 
  • Gumoss at Dumud 
  • Celaray at Kelpsea Ignis 
  • Cattiva at Univolt 

Kailangan mong makahuli ng kahit anong kombinasyon ng mga Pals na ‘yan na may kabaligtaran na kasarian at mag-breed para sa hatching ng isang Beegarde sa Palworld. 

Kung ayaw mong mag-grind sa paghuli o pag-breed ng isang Breegarde, maari mo itong bilhin direkta mula sa Black Marketeer sa Palworld.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Palworld. 

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!     

BASAHIN: Paano makuha ang Legend passive skill sa pagkuha ng Legendaries sa Palworld