Sa Palworld, may isang espesyal na Legend passive skill na iilang Legendaries lamang ang nagmamay-ari, at maari itong mapasa sa mga paborito mong Pals sa pamamagitan ng breeding. 

Maari mo lamang mabigay ang Legend passive skill sa isang Pal kung mayroon itong isang Legendary Pal parent. 

Palworld Frostallion
Screenshot ni Ethan Shin/ONE Esports

Ano nga ba ang passive skills? 

Sa bawat Pal sa Palword, mayroon itong sariling passive skills. Ito ang mga “skills” na magbibigay sa’yo ng bonus sa kanilang mga stats. 

Halimbawa, ang “Artisan” skill, ito ay nagpapabilis ng work speed ng isang Pal nang 30%. Ang distribusyon ng mga passive skills na ito ay random. 

Bawat Pal ay mayroong sarili niyang skills, at posibleng wala itong makuha. Ang ibang skills na ito ay naghahatid ng kanilang mga advantage, habang ang iba ay may mga disadvantage. 

Ang Legend passive skill ay isang malakas na passive skill dahil ito ay nakaka-boost sa attack ng Pal nang 20%, defense nang 20%, at makakabilis ng movement speed nang 15%, kaya mainam ito na combat passive skill. 



Mayroong apat na Legendaries sa Palworld na may Legend passive skill 

Palworld
Credit: Palworld.gg, ONE Esports
  • Frostallion (silangan ng Land of Absolute Zero, malapit sa coordinates -359, 508) 
  • Jetragon (hilaga ng Beach of Everlasting Summer, malapit sa coordinates -788, -321) 
  • Paladius (hilagang-kanluran ng Deep Sand Dunes, malapit sa coordinates 449, 679) 
  • Necromus (ang Paladius at Necromus ay nasa parehas na coordinates dahil magkasabay mo itong lalabanin) 

Pag-breed ng Pals na may Legend passive skill 

Kapag nakakuha ka na ng Legendary boss, maari mo nang ipamana ang kanilang Legend passive skills sa paborito mong Pals sa pamamagitan ng breeding. 

Palworld Paladius Necromus
Screenshot ni Ethan Shin/ONE Esports

Maari kang gumamit ng mga online resource tulad ng Palpedia, para malaman ang breeding tree ng iyong ninanais na Pal. 

Para malaman ang breeding tree, pumunta muna sa Palpedia, i-click ang Breeding Calculator, mag-scroll sa ilalim ng Parent Calculator, at pumili ng Pail na nais mong i-breed at maglilista ito ng iba’t-ibang kumbinasyon ng Pals.  

Halimbawa, kung gusto mong mag-breed ng malakas na Anubis na mayroong Legend passive skill, maari mong kunin ang kahit anong Legendaries para makapag-breed ng Anubis. 

Ngunit mas ni-rerekomenda ang pagkuha ng Frostallion dahil mas madali itong makuha dahil sa lupain kung saan maari kang magtago sa likod ng iceberg para makaiwas ng atake. 

Kung nakuha mo na ang isang Frostallion, i-pares ito sa isang Felbat, at magkakaroon ka ng Anubis na may Legend passive skill sa Palworld! 

Palworld Jetragon
Screenshot ni Ethan Shin/ONE Esports

Ngunit alalahanin na hindi lahat ng Pals ay maaring i-breed sa isang Legendary. Halimbawa kung nais mo ng isang mabilis na Fenglope na may Legend passive skill, kailangan mo itong i-breed sa isang Pal na maaring mamana ang skill, at i-breed ito sa isa pang Pal na maaring magbigay sa’yo ng isang Fenglope. 

At ang ibang Pal, tulad ng Jormuntide Ignis, ay maari lamang makipag-breed sa sarili nito ay hindi kayang magkaroon ng Legend passive skill. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Palworld.  

BASAHIN: Makikita na ang walls ng Attack on Titan sa Palworld