Ang puso ng Persona 3 Reload ay tungkol pa rin sa pagtuklas ng katotohanan sa Tartarus, sa Dark Hour, at sa mga Shadow.

Ngunit ipinapaalala sa iyo ng P3R na hindi kumpleto ang iyong paglalakbay kung wala ang mga nakilala mong kaibigan.

At may tsansa rin na magkaroon ng relasyon na higit pa sa pagkakaibigan kung ikaw ay naghahanap ng Persona 3 Reload romances.

Bumuo ng Persona 3 Reload romances sa mga nakakaakit na karakter na ito sa laro

Yukari Takeba

Persona 3 Reload Yukari Takeba
Credit: ATLUS

Si Yukari ang unang tauhan na makikilala mo sa Persona 3 Reload, at tiyak na nag-iiwan siya ng pangmatagalang impresyon. Sa ilalim ng kanyang cutesy at outgoing na hitsura ay may nagtatagong sungit, lalo na sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Junpei Iori.

Gayunpaman, palagi siyang mabait sa mga tao, lalo na sa mga hindi niya kilala — kasama na ang Protagonist.

Madali siyang matakot, lalo na sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga multo (na lalong ironic noong naglakbay kami sa dagat ng mga Shadow na kung tawagin ay Tartaerus) pero matapang na hinaharap ang mga thug sa kalye.

Siya ay isang buhay na isa’t-kalahating kontradiksyon, at ano dapat ang maging tugon mo?

Kaya mo siyang ayusin. At ito ay magiging isang masayang paglalakbay.

Mitsuru Kirijo

Persona 3 Reload Mitsuru Kirijo
Credit: ATLUS

Ang pakikipagkita kay Mitsuru ay tila pagbangga sa isang iceberg. Siya ay isang matalino, bagamat malamig at kalkuladong pinuno, na nakatuon sa Specialized Extracurricular Execution Squad o S.E.E.S.

Bukod sa maraming talento, hindi lang ang kanyang Ice Queen personality ang binabalutan niya ng yelo. Pinanganak nang may ginintuang kutsara sa bibig, ang mga karanasan ni Mitsuru ay ibang-iba sa atin.

Mayroong nakakaakit na kawalang-muwang sa likod ng kanyang mga aksyon, nagsusumikap para sa isang mas magandang mundo — at mas mabuting mga kaibigan — sa tanging paraan na alam niya kung paano.

Siya ay tiyak na nakikita bilang malayo at impersonal. Gayunpaman, maglaan ng ilang oras sa kanya, at makikita mo na magsusumikap siyang basagin ang kanyang pader. At kung handa kang tumulong ay mas mainam.

Yuko Nishiwaki

Persona 3 Reload Yuko Nishiwaki
Credit: ATLUS

Si Yuko ang team manager ng athletics club, at ang kanyang hilig ay nagniningning sa anumang piliin niyang gawin.

Mayroon siyang mabuting puso, at kitang-kita ito sa kanyang kagustuhan na gugulin ang bakanteng oras niya sa pagtuturo ng mga bata sa elementarya para sa isang impromptu na kompetisyon.

Bakit nangunguna ang Like a Dragon Infinite Wealth sa mga pinaka-inaabangang laro ng 2024

Ang pakikipag-date kay Yuko ay isang pagpupursige — ngunit nandiyan siya sa bawat hakbang, susuportahan ka at bibigyan ng mga ng payo na kailangan mong malaman.

Chihiro Fushimi

Persona 3 Reload Chihiro Fushimi
Credit: ATLUS

Si Chihiro ang treasurer ng student council, ngunit ang sobrang pagkamahiyain niya ay nangangahulugan na hindi mo siya makakausap hanggang sa makilala mo siya.

Nalaman ng Protagonist na ang hindi pakikipag-usap ni Chihiro sa iyo ay nagmumula sa kanyang takot sa mga lalaki, at kailangan ng tatlong subok para masimulan ang Social Link sa kanya.

Ngunit ang kanyang mga problema ay mas malalim pa diyan – higit pa sa kanyang takot sa mga lalaki, ang kanyang tunay na suliranin ay hindi niya kayang manindigan para sa kanyang sarili.

Ano ang maaari mong gawin sa suliraning ito? Maraming pasensya, oras, at kabaitan. Mahaba ang paglalakbay ni Chihiro patungo sa kakayahan na makatayo sa sariling mga paa, ngunit hindi ka niya malilimutan kung maglalaan ka ng oras para sa kanya.

Fuuka Yamagishi

Persona 3 Reload Fuuka Yamagishi
Credit: ATLUS

Si Fuuka ay isang mabait, ngunit tahimik na babae. Dahil niya kayang magsalita, siya ay walang tigil na binu-bully sa paaralan — na nagresulta sa kanyang pagkakakulong sa Tartarus.

Ang kanyang kalakasang loob ay kumikinang. Hindi lang siya nakaligtas sa Tartarus sa loob ng ilang araw, ngunit ipinakita pa ang kanyang Persona upang maprotektahan ang nangbu-bully sa kanya!

Listahan ng Like a Dragon Infinite Wealth characters at cast

Hindi kayang pigilan ng panlabas na kalikasan ni Fuuka ang kanyang katatagang panloob. Ang pakikipag-date kay Fuuka ay nangangahulugan ng maraming tahimik na araw, sa isang sulok na may magandang libro — pero lagi ka niyang tutulungan anuman ang iyong harapin.

Aigis

Persona 3 Reload Aigis
Credit: ATLUS

Si Aigis ay isang komplikadong robot na may mga baril bilang mga kamay, at siya rin ang pinakanakakatawang nilalang sa iyong dorm.

Maging ito man ay ang kanyang pagsasabi na siya ay magiging isang mahusay na pagpipilian ng baguhan para sa pakikipaglaban dahil sa kanyang prangka na katangian at paggamit, o ang kanyang ganap na kawalan ng kakayahang magbasa ng mga panlipunang sitwasyon, tila imposibleng bumuo ng relasyon kay Aigis dahil sa kanyang pagkakaiba

Bagamat ginawa ng mga makina ang kanyang puso, maaari itong hubugin ng mga tao. Ang kanyang matinding pagnanais na protektahan ang Protagonist ay nangangahulugan na kaya niyang gawin lahat makasama ka lang, at kapalit nito, pwede mo siyang tulungan na malaman kung ano talaga ang kinakailangan upang maging isang tao.

Maaaring hindi siya maging tao, ngunit maaari siyang maging iyo.

Magpunta sa opisyal na website ng ATLUS o SEGA para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Persona 3 Reload.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips at tricks pagdating sa gaming.

BASAHIN: Persona 3 Reload features na nais naming makita sa susunod na Persona games