Ang Persona 3 Reload ay hindi lamang isang rehashed na kwento — ito ay nagdagdag ng ilang quality-of-life na pagbabago, at nagtatampok ng marami pang kuwento sa loob ng Tatsumi Port Island.

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na ma-access ang laro nang maaga — at narito ang tatlong Persona 3 Reload features na gusto naming makita sa susunod na Persona games sa hinaharap.

Talaga namang kapansin-pansin ang Persona 3 Reload features na ito

Walang Social Links sa mga paborito mong karakter? Narito ang Link Episodes

Persona 3 Reload Social Links daytime gathering
Credit: ATLUS

Ang Social Link ay nananatiling malaking bahagi ng Persona 3 Reload. Isa itong pangunahing mechanic na direktang tumutukoy kung gaano kalakas ang iyong Personas sa pamamagitan ng pagsasanib. Nagbibigay din sa iyo ng access ang pag-max ng links sa makapangyarihang Personas.

Ngunit nangangahulugan din iyon na karamihan sa social interactions sa kwento ay naka-lock sa likod ng mga character na may Social Links. Kung walang Link Episodes, ang iyong dorm mates gaya nina Koromaru, Junpei, at Akihiko ay makakatanggap lamang ng mas kaunting ganap sa kuwento.

Sa halip, ang Link Episodes na ito ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong gumugol ng oras sa mga karakter na hindi accessible at nakatayong naghihintay para sa susunod na pagkakataong makasama ka sa Tartarus.

Pinaparamdam nito na mas buhay ang mundo, at oo, mahalaga pa rin ang pag-level up ng Social Link — ngunit maaari itong makapaghintay habang pinapanood ng Protagonist si Akihiko na hatiin ang isang pakwan gamit lamang ang kanyang mga kamay.

‘Di kailangang nag-iisa ka sa gabi: Makipaghang-out ka sa iyong Iwatodai Dorm mates

Persona 3 Reload Iwatodai Dorm hangout kasama si Mitsuru Kirijo
Credit: ATLUS

Bilang sikat na Protagonist sa Persona 3 Reload, maraming tao sa Tatsumi Port Island ang gustong makasama ka sa araw. Sa gabi, malamang ay nawawala na ang mga iyon — ngunit palaging may opsyon na makapag-relax kasama ang mga kaibigan mo sa Iwatodai Dorm.

Ang mga hangout na ito ay hindi time-gated at sa halip ay ipinapahiwatig ng isang smiley face icon para sa sinuman na gustong magpalipas ng kanilang mga gabi kasama ka. Kasama sa mga aktibidad na ito ang pagluluto, pag-inom ng tsaa, panonood ng TV, pagbabasa ng mga libro, at iba pa.

Sa pamamagitan ng mga hangout na ito, bukod sa pagkakaroon ng mas maraming kaalaman mula sa iyong mga paboritong miyembro ng S.E.E.S., mayroon ding mga tiyak na benepisyo. Kung ang taong nakakasama mo ay may matibay na Social Link, makakakuha ka ng mga puntos.

Ang pag-aasikaso sa mga gulay nang may kasama sa halip na nag-iisa ay magbibigay ng mas maraming resulta o mas malakas na epekto. At ang mas madalas na pagluluto ay nangangahulugan na ang kasanayan ng iyong kasama sa kusina ay bumubuti, kaya naman ang pagkaing natatanggap mo ay nagiging mas malakas.

Bakit nangunguna ang Like a Dragon Infinite Wealth sa mga pinaka-inaabangang laro ng 2024

Kung sapat ang oras ng inyong pagsasama-sama, ang iyong mga kaibigan ay maaaring makakuha ng mga bagong abilidad sa mga laban!

Ang Theurgy at personality traits ay isang mahusay na paraan upang higit pang gawing indibidwal ang iyong party members

Persona 3 Reload Theurgy ni Yukari Takeba
Credit: ATLUS

Kung ginugugol mo ang kalahati ng iyong oras sa Persona 3 Reload para makakuha ng mas maraming social contact, ang kalahati ay halos ginugugol mo sa Tartarus. Pasok ang Theurgy, mga makapangyarihang skill na lubos na naka-personalize, at palaging nakakatulong sa pinakamahihirap na laban.

Ang Theurgy ay mainam para sa instant burst kontra sa malalakas na kalaban dahil karamihan sa kanila ay binabalewala ang mga weakness at resistance. Sa isang turn, kapag ang iyong napiling karakter ay tila hindi alam ang gagawin, papasok ang Theurgy para sa isang magandang break sa bakbakan.

Maaaring kahalintulad ito ng showtime attacks sa Persona 5 Royal, ngunit mas madaling ma-access ang Theurgy. Ang bawat karakter ay may kani-kaniyang specialized skill, kaya sa halip na kailanganin ang partikular na party pairs, binibigyan ka nito ng isa pang tool upang i-mix and match ang iyong party.

Isang mahusay na pagkukwento ang paglago ng iba’t ibang Theurgy ng mga karakter. Mas mabilis na mapupuno ang gauge ni Yukari kapag nanghi-heal siya sa halip na umatake, habang ang kay Junpei naman ay mas mabilis na dumadami kapag nakatama siya ng critical hit.

Listahan ng Like a Dragon Infinite Wealth characters at cast

Ito ay isa pang pasilip sa mindset ng mga tauhan sa kasagsagan ng mga laban, lalo na para sa mga latecomers sa S.E.E.S. na hindi mo pa nakakasama nang matagal.

Maaari kang pumunta sa opisyal na website ng ATLUS o SEGA para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Persona 3 Reload.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips at tricks pagdating sa gaming.

BASAHIN: Subukan ang 3 must-play One Piece games na ito para sa bawat mugiwara