Binuksan na ng SEGA ang kurtina sa immersive world ng Like a Dragon Infinite Wealth, na lalabas sa Enero 26, 2024.

Pinapangako ng RPG na ‘to ang isang nakakabighaning naratibo tungkol sa dalawang bida na sina Ichiban Kasuga at Kazuma Kiryu.

Sa pagpasok ng mga players sa mundo ng Hawaii, tignan natin ang lahat ng Like a Dragon Infinite Wealth characters.

Like a Dragon Infinite Wealth characters 

Akane 

Gaming Like A Dragon Infinite Wealth Akane
Credit: SEGA

Si Akane, ang rason ng paglalakbay ni Kasuga sa Hawaii, ang central figure na may tali sa nakaraan ni Kasuga. 

Pinaniwalaan bilang biological mother ni Ichiban at patay na, naging isang importanteng character siya na nadawit sa away ng Hikawa yakuza group sa Kamurocho. 

Ang pagkatuklas sa kaniyang survival ay nagdagdag ng isa pang lebel ng misteryo sa naratibo. 

Yutaka Yama

Gaming Like A Dragon Infinite Wealth Yutaka Yama
Credit: SEGA

Si Yutaka Yama, ang misteryosong lider ng Yamai Syndicate, ay makakabuo ng hindi inaasahang bond kay Kasuga sa Hawaii. 

Tila mukhang maraming pinagdaanan si Yama dahil sa kaniyang misteryosong persona. 

Sa paglahad ng kaniyang nakaraan, matutuklasan ng mga players ang mga sikreto niya. 

Dwight Mendez 

Gaming Like A Dragon Infinite Wealth Dwight Mendez
Credit: SEGA

Si Dwight Mendez, ang pinuno ng mga Barracudas, ang may hawak na bakal sa Honolulu underworld. 

Namumuno dahil sa takot sa kaniya ng mga tao, may hawak siyang machete na ginagamit niya sa kahit sinong humahamon sa kaniya. 

Ang presensya ng Barracudas ay nagdaragdag ng layer ng panganib at intriga sa komplikadong dynamics ng laro. 

Wong Tou 

Gaming Like A Dragon Infinite Wealth Wong Tou
Credit: SEGA

Si Wong Tou, ang ruler ng Ganzhe syndicate, ay isang makapangyarihang anyo sa Honolulu underworld. 

Sa kabila ng kaniyang gentleman na panlabas, may tinatago si Wong na dahas. 

Isang negosyanteng mayaman, isa siyang karibal ng mga Barracudas ni Dwight Mendez. Asahan ng mga players na maghaharap ang dalawang ito. 

Bryce Fairchild 

Gaming Like A Dragon Infinite Wealth Bryce Fairchild
Credit: SEGA

Si Bryce Fairchild, ang lider ng Palekana, isang relihiyosong grupo sa Hawaii, ay kilala dahil sa kaniyang mabait na ugali. 

Dahil sa kaniyang pag-suporta sa mga homeless at pagbigay ng non-profit na serbisyo, pinagkakatiwalaan si Bryce ng mga opisyal ng gobyerno. 

Kihei Hanawa 

Gaming Like A Dragon Infinite Wealth Kihei Hanawa
Credit: SEGA

Si Kihei Hanawa, isang manager ng Daidoji faction, ang gumanap sa responsibilidad ng paghawak kay Kiryu at siya ang nagpadala sa kaniya sa Hawaii para sa isang misyon. 

Sa kabila ng muntikang pagkamatay ni Kiryu, nananatili ang professional relationship ni Hanawa sa kaniyang manager. 

Like a Dragon Infinite Wealth Japanese seiyuu (voice actors)

CHARACTER SEIYUU 
Akane Yoshiko Sakakibara 
Yutaka Yamai Takehito Koyasu 
Dwight Mendez Shuhei Matsuda 
Wong Tou Takuya Masumoto 
Bryce Fairchild Toru Furuya 
Kihei Hanawa Hiroki Tochi 

Bisitahin ang opisyal na website Like a Dragon Infinite Wealth para sa iba pang impormasyon.

BASAHIN: Bakit nangunguna ang Like a Dragon Infinite Wealth sa mga pinaka-inaabangang laro ng 2024