Kamakailan ay napabilib ng isang player ang marami sa pamamagitan ng paggaya ng setting ng Attack on Titan sa Palworld.

Ang Palworld ay isang open-world survival game na nakakuha ng kasikatan mula nang ilabas ito noong January 2024. Sa game na ito, kinakailangan ng mga player na talunin ang mga Pal creatures upang makakuha ng mga kagamitan at gawing manggagawa ang mga ito para sa iyo.

Ang game na ito ay masasabing isang pagsasama ng mga titulo na dati’y nagdomina sa game scene, tulad ng ARK: Survival Evolved, bahagyang GTA series, at pati na Minecraft.

Ang mga player sa game ay may pagkakataon na ilabas ang kanilang creativity, sa pagtatayo ng mga base na na-inspire sa mga kilalang istraktura.



Kinopya ng player na ito ang Shiganshina district mula sa Attack on Titan sa Palworld

Sa opisyal na subreddit ng Palworld, isang user na may pangalang /TryAgainBestie ang nagbahagi ng isang base na na-inspire sa Shiganshina district sa Attack on Titan na patuloy pang inaayos at bukas sa pagtanggap ng feedback mula sa iba.

Bukod dito, ibinunyag ng Redditor na sinusubukan din niya na gayahin ang interior ng mga istraktura upang maging mas kamukha ito ng sa anime na Attack on Titan sa pinakamalapit na paraan.

Nagbahagi siya ng isang mabilis na tutorial video kung paano magtayo ng istraktura na batay sa Attack on Titan sa Palworld gamit ang mga in-game items upang maaari mo rin itong subukan. Nakakagulat na ang mga disenyo, sahig, at pader sa game ay may maraming pagkakatulad sa setting ng sikat na anime.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ipagtanggol ang Land of Dawn! Narito na ang Attack on Titan skins ng MLBB