May crossover ang Rocket League at ang media company na Metro-Goldwyn-Mayer, at ilalabas ang kauna-unahang James Bond DLC.

Ang unang sasakyan mula sa James Bond Rocket League crossover ay ang classic na 1963 Aston Martin DB5, na unang nakita sa 1964 film na “Goldfinger”.

Napakalinis tignan ng Aston Martin DB5 ni 007

Malapelikula ang reveal ng Aston Martin DB5.

Sa halip na humahabol ng kontrabida upang pigilan ang mga maiitim nitong balak, makikita ang Aston Martin na humahabol sa isang soccer ball, habang tumutugtog sa background ang official Bond theme.

Habang ang karamihan ng kotse sa laro ay may visible thrusters upang ipakita ang kanilang boost mechanic, ang James Bond Rocket League vehicle ay may nakatagong thruster compartment sa pllaka nito sa likod.

Mga detalye ng James Bond Rocket League crossover

Todo buhos ang mga developers upang siguraduhing gayang-gaya ang car model, binigyan ang DB5 ng signature Silver Birch paint finish, original DB5 wheels, sariling engine audio, at Reel Life decal.

Bilang isang honorary addition sa garahe ng kahit sinong player, magiging eksklusibo ang bundled items para sa 007 car.

Kung sa tingin mo ay hindi para sa’yo ang Aston Martin DB5, sinabi ng mga developers na marami pang 007 DLCs ang lalabas sa taong ito.

https://youtu.be/6-31KXAFyrA

Mabibili ang James Bond Aston Martin DB5 sa Rocket League Item Shop para sa 1,100 Credits.