Sa unang araw ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC 2021), hindi nakakagulat na sabik ang MLBB fans na mapanood ang kanilang paboritong mga teams na lumaban sa international stage.

Hindi nila alam na may isang sorpresa pang naghihintay para sa kanila.

Siya ang unang babae na lumahok sa isang international MLBB tournament

Noong sumalang ang IDONOTSLEEP (IDNS) ng Thailand sa international stage kontra RSG SG sa unang laro ng araw na iyon, madaming fans ang nagulat ng makita nila ang isang babaeng pro player na nakisabak sa balagbagan.

Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Hindi naging madali para sa IDNS ang kanilang biyahe sa torneo kung saan tinalo sila ng RSG MY, RSG SG at Impunity KH. Gayunpaman, madami sa MLBB community ang napalingon sa Thai pro player.

Matapos makakuha ng atensyon bilang nag-iisang babaeng pro sa MSC 2021, nagulat din si Ramella sa reaksyon ng community. 

Banggit niya sa ONE Esports, “I didn’t think there were so many people who would come to support us.”

Ang biyahe ni Ramella bilang pro player sa isang male-dominated na mundo ng Esports

Nagsimula si Ramella saMobile Legends  noong nakita niya ang isang advertisement ng laro sa isang website. Simula noon, gumawa na siya ng account na may IGN na “Ella” at nagkaroon ng madaming kalaro’t kaibigan.

Pakiramdam niya ay masyadong maiksi ang kanyang IGN kaya naman dinagdagan niya ito para mabuo ang IGN niyang kilala natin ngayon.

Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Masugid na player ng MLBB si Ramella,  at matapos ang madaming seasons ng pagtitiyaga ay nakuha niya ang oportunidad maglaro ng competitive MLBB. Mga kaibigan din niya sa laro — na tinatawag niyang “brothers” —ang nanghikayat sa kaniya para sumabak sa high skill level matches. Sila rin ang nag-anyaya sa kaniya sumali ng IDNS.

“Actually, I didn’t think much about the fact that I would be playing with four other guys; it’s like being friends and brothers,” banggit ni Ramella. “Even though we may not always play well, they’ll encourage me and tell me to try again and keep fighting.”

Batid niya na papasok siya sa isang male-dominated industry at kasama sa laro ang mga negatibong komento. Kahit pa ganito nanatiling mahinahon at matiyaga ang Thai pro.

“I really just focus on what I can do. I don’t care about other things,” sabi niya. “I just play my best and only do my best, and develop myself as much as I can.”

Espesyalista sa roaming heroes si Ramella

Sa nakaraang MSC 2021, ipinakita ni Ramella ang kaniyang maniobra sa mga roaming heroes na DiggieChouPaquitoSelena at Angela. Bagamat, ang talagang paborito niyang hero ay si Grock.

“He looks scary. When you press his first skill, he will get bigger and look scary,” ani ng IDNS roamer.

Bukod sa pagiging pro player, isa ring masipag na estudyante si Ramella. Siya ngayon ay kumukha ng Science Major sa Kasetsart University na isang top school sa Thailand. Huling taon na niya sa kaniyang major at malapit na din niyang makuha ang kanyang degree sa Statistics. 

Ngunit dahil sa COVID-10 coronavirus outbreak, bihira siyang nakapunta ng campus noong nakaraang taon. Dagdag niya, “So I have time to practice about four hours a day, and if I have free time, I will continue to play rank with my friends in the team.”

Kagaya ng marami sa atin, hindi lang Mobile Legends ang interest ng ating bida. Masaya rin siya sa panonood ng Korean dramas tulad ng “Vicenzo” at “Crash Landing on You”. Kasama nito, mahilig din siyang magpinta.

Suportahan natin si Ramella sa pamamagitan ng pag-follow ng kaniyang page na Ramellabah kasama na din ang IDNS sa Facebook.