Pwede mo nang i-pre-order ang shower sandals na hango sa footwear ni Ramlethal Valentine ng Guilty Gear Strive, tweet ng opisyal na account ng bagong-labas na fighting game.

Ayon sa description ng produkto, ang sandals daw ay “comfortable item” na puwedeng gamitin saan mang lugar at ano man ang panahon.

Ang disenyo ng Ramlethal shower sandals

Katulad ng itsura sa laro, pasok din ang eggshell white na kulay ng binebentang shower sandals. Naka-emboss din sa kaliwat-kanang footwear ang mga sumusunod na kataga:

“What is right when all that’s left is wrong,” sa kanang sandal at, “What is left when you lose all your rights,” naman sa kaliwa.

Ramlethal Shower Sandals
Credit: Arc System Work

Sa ngayon, sa 27×10.5 centimeters na haba lang mababali ang shower sandal, na halos kasukat ng US size 10 na sapatos.

Maaaring i-pre-order ang Ramlethal shower sandals sa halagang US$35 sa opisyal na Arc System Works Ebten website.