Mas lumaki ang roster ng fighting game na Guilty Gear Strive sa pagdating ng fighter na si Goldlewis Dickinson, ang Secretary of Defense ng United States.

Si Goldlewis ang ikatlong orihinal na character ng Strive sunod kina Giovanna at Nagoriyuki.

Si Goldlewis Dickinson ay isang heavy hitter

Dumating si Goldlewis sa Strive bilang isa sa mga pinakamalalaking fighters sa roster. Itinuturing syang isang Power character ayon sa official website entry, tulad ng Power Throw title ni Potemkin.

Sa reveal trailer, hila-hila ng military officer ang kanyang Area 51 coffin bilang isang sandata. Ginagamit din ni Goldlewis ang extraterrestrial na nakatira sa kabaong para umatake.

Para naman sa kanyang special moves, gumagamit si Goldlewis Dickinson ng isang gatling gun para sa ranged damage, at nagtatawag din sya ng airstrike gamit ang laser na nagmumula sa kanyang sunglasses.

Season Pass 1 roadmap ng Guilty Gear Strive

Si Goldlewis Dickinson ang una sa limang fighters na lalabas sa Season Pass 1 ng Strive.

Narito ang release details ng Season Pass 1:

  • Additional character: Goldlewis Dickinson (July 27)
  • Additional character: TBA (August)
  • Additional character: TBA (2021)
  • Additional character and battle stage: TBA (2022)
  • Additional character, additional battle stage, and new story: TBA (2022)

Si Goldlewis Dickinson ay magiging playable sa July 27 eksklusibo para sa mga Season Pass 1 holders, at maaring mabili mula July 30.