Ang navigation app na Waze ay nakipag-team up sa Halo Infinite upang magbigay ng kakaibang driving experience. Tampok sa kanilang bagong Waze voice pack sina Master Chief at Escharum.

Sina Master Chief at Escharum ng Halo ang mga bagong boses sa Waze

Halo WazeMasterChiefPoster
Credit: Xbox

Pagpili mo pa lang sa Master Chief Halo Infinite Waze voice, maririnig mo na agad ang astig na linya ng ating bida para mas maging exciting ang ride experience mo.

“Looks like you’re my ride. Not sure if you’ve got experience saving the galaxy, but you’re about to get some. Let’s go.”

Mapapakinggan ang Waze voice ni Master Chief dito.

Ang mga Halo Invfinite voices na ito ay available sa English, Spanish, French, at Portuguese at magiging available lamang sa maikling panahon.

bukod sa mga boses na ito, maari ring baguhin ng mga users ang kanilang Waze Mood sa mga cute na avatars nina Master Chief at Escharum.

Halo WazeVoiceWarthog
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Maari ring palitan ng Warthog o Ghost ang itsura ng kanilang sasakyan sa navigation app.

Paano palitan ng Master Chief ang inyong Waze voice command

Halo WazeVoiceMasterChiefEscharum
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Kailangang i-download ang Waze sa inyong smartphone device upang magamit ang feature na ito.

  1. I-tap ang magnifying glass icon o search bar sa Waze.
  2. Piliin ang “Drive with Master Chief” option.
  3. Dadalhin ka nito sa voice direction options. Pwede kang mamaili kung kanino ka kakampi, sa Spartan o sa Banished.

Pwede ring mano-manong mamili ng iyong preferred Waze voice announcer.

  1. I-tap ang speaker icon. Dadalhin ka nito sa Sound menu.

Piliin ang Waze voice. Piliin ang voice navigator na nais mong gamitin.